Lalaking walang tahanan noon, nakatanggap ng pambihirang gantimpala kapalit ng mabuti niyang gawa!



Maraming mga taong palaboy, o pulubi ang mayroong nakakalungkot na mga kwento ng kanilang buhay kung bakit sila ay nakatira na lamang ngayon sa lansangan, walang desenteng tahanan o trabaho man lamang. Mayroon silang naging mahirap na karanasan sa kanilang buhay at walang kahit sino man ang dumamay o sumuporta sa kanila.



Nakakalungkot din na maraming mga tao na walang desenteng tahanan ang inaalipusta at minamaltrato pa ng ibang tao. Akala ng marami ay wala na silang ibang kailangan pa kundi pera lamang. Ngunit hindi pala lahat ay ganito.


Dahil isang 44 taong gulang na lalaki na walang tahanan at nakilala bilang si Waralop mula sa Thailand ang hinahangaan ngayon ng marami dahil kahit pa walang wala na siyang pera noon ay magawa pa niyang isauli ang isang mamahaling pitaka sa may-ari nito. Kung tutuusin ay maaari namang itago na lamang niya ang perang laman ng pitaka at ipangbili na lamang niya ng kaniyang pagkain ngunit lakad loob siyang dumiretso sa himpilan ng mga pulisya dala-dala ang Hermes na wallet ma mayroon pang laman na mga salapi at mga credit cards.


Ang may-ari ng nasabing pitaka ay walang iba kundi si Niity Pongkriangyos. Ayon pa sa kaniya at hindi niya talaga namalayang nawawala pala ang kaniyang pitaka. Kung siya diumano ang nasa katayuan ni Waralop ay tiyak na gagamitin niya na ito sa pangsarili niyang interes. Nais niyang bigyan ng 2,000 baht na pabuya si Waralop ngunit napagdesisyunan niyang bigyan na lamang ito ng trabaho at matutuluyan. Hindi na napigilan pang maiyak ni Waralop sa mga natanggap niyang gantimpala sa pagsasauli niya ng napulot niyang pitaka.


Nakakatanggap siya ng A$800 na sweldo at maaari din siyang tumira sa tirahan ng mga empleyado ng kanilang kompanya. Hindi man makapaniwala si Waralop sa mga biyayang ito ay nangako naman siyang magsisipag sa kaniyang trabaho at gagawin ang lahat ng kaniyang makakaya upang masuklian ang kanilang kabutihan sa kaniya.






error: Content is protected !!