Mga sikat na artista nag-react sa bagong hairstyle ni Julia Montes!



Si Mara Hautea Schnittka o mas kilala ng publiko bilang si Julia Montes ay isa sa mga kilalang aktres sa industriya ng show business. Siya ay 24 na taong gulang na aktres at modelo. Una siyang nakilala bilang child actress sa programang “Goin’ Bulilit”. Lubos siyang nakilala at sumikat nang gampanan niya ang karakter ni Clara del Valle sa “remake” ng Mara Clara noong 2010 hanggang 2011 kasunod nito ang kaniyang pelikulang “Way Back Home”.



Taong 2018 naman nang huli siyang mapanuod sa “Asintado” kung saan siya gumanap bilang si Juliana Gonzales kasama sina Shaina Magdayao, Paulo Avelino, at Aljur Abrenica. Ngunit pagkatapos nito ay nagdesisyon si Julia na lisanin muna ang industriya ng show business sa hindi malamang dahilan. Ang huling pelikulang kaniyang ginanapan ay mayroong pamagat na “Hilom, A tribute to the doctors to the barrios”.
Matapos nito ay napabalitang lumipad ang aktres patungong Germany upang makasama ang kaniyang ama.


Ngunit sa kabila nito ay mayroon pa ring mga bali-balita na ipinagbubuntis niya noon diumano ang anak nila ni Coco Martin. Ngunit sa kabila ng mga kontrobersiya ay hindi pa rin maiiwasan ng kaniyang mga tagahanga na manabik sa kaniyang pagbabalik sa pag-arte.


Kamakailan lamang ay napabalitang nagbalik na siga sa bansa kasabay ng mga naglalabasang mga larawan kung saan makikitang nasa isang grocery store ang aktres at namimili. Kasunod nito ay ang kaniyang Instagram post kung saan mapapansin ang bago niyang “hairstyle”.



Maraming mga netizens ang pumuri sa ganda at bagong look na ito ng aktres. Ilan sa mga sikat na personalidad na nag-react sa bagong imahe na ito ng aktres ay sina Lorna Tolentino, Angeline Quinto, Denise Laurel, Jessy Mendiola, Claudine Barretto, Iza Calzado, Yeng Constantino, Angel Locsin, Vina Morales, Angelika dela Cruz, at Agot Isidro. Pinuri nila ang bagong gupit ng aktres na talaga namang bagay na bagay dito.




error: Content is protected !!