Bahay ng isang OFW ibinebenta ng kaniyang katiwala ng 5 milyong piso, lahat ng mga sasakyan niya wala na rin!



Maraming mga Overseas Filipino Workers o OFW ang nagbabayad ng kani-kanilang mga katiwala dito sa Pilipinas upang mayroong nangangalaga at tumitingin sa kanilang mga naipupundar dito sa bansa. Ngunit kamakailan lamang ay labis na nabigla ang OFW na ito nang malaman niya na wala na pala ang kaniyang mga naipundar na sasakyan at maging ang kaniyang bahay ay ibinebenta na pala sa halagang limang milyong piso nang hindi niya nalalaman. Si Marita Esseler ay nagtatrabaho sa Estados Unidos.



Iniwanan niya ang kaniyang mansyon at ilang mga sasakyan sa pangangalaga ng kaniyang katiwala. Ipinagkatiwala niya rito ang kaniyang mga naipundar na ari-arian sa mahabang panahon. Ngunit kailan lamang niya napansin na tila mayroong itinatago sa kaniya ang katiwalang ito.

Nagtaka siya nang mapadalas na ang paghingi nf kaniyang katiwala ng pera at ang mga resibo na ibinabalik sa kaniya ay paunti na rin ng paunti. Noong una ay inakala lamang niya na nagkataon lamang ito ngunit nabigla na lamang siya nang malaman niyang ang bahay niya sa Pampanga ay ibinebenta na rin pala nito at sa ngayon ay mayroon na ngang interesadong bumili sa halagang limang milyong piso. Taong 2020 pa dapat ang bakasyon ni Marita ngunit dahil sa kaniyang nalaman ay dali-dali na siyang umuwi sa Pilipinas.


Sa tulong na rin ni Police Capt. Leopoldo Cajipe, direktor ng CIDG-Angeles City ay naisagawa nila ang entrapment operation. Hindi batid ng katiwala na nakabalik na sa bansa si Marita at naalerto na din nito ang kapulisan. Sa ginawang operasyon ay nahuli ang katiwala ni Marita hawak ang “marked money” kasama din ng mga pekeng dokumento tulad ng pekeng titulo ng lupa, at special power of attorney na mayroong pekeng pirma ni Marita. Desididong magsampa ng kaso si Marita sa dating katiwala na haharap sa kasong “falsification of public documents” at marami pang iba.

Source: Abscbn





error: Content is protected !!