Bakit nga ba kinakagat ng mga “Olympians” ang kanilang mga medalya?



Marahil ay marami na tayong nakikita na mga atletang kinakagat ang kanilang mga medalya. Ngunit kailan nga ba nagsimula ang kaugaliang ito? Ano kaya ang eksplinasyon sa likod nito? Ayon sa ilang mga balita, ang pagkagat sa medalya ng mga atleta ay tila naging obsesyon na ng mga “photographers” dahil ito ay sumisimbolo sa isang iconic shot.

Si David Wallechinsky, presidente ng “International Society of Olympic Historians” at “co-author” of ng “The Complete Book of the Olympics,” ay hindi sang-ayon na ang mga atleta mismo ang gagawa ng ganitong bagay dahil maraming mga “photographers” ang nagnanais ng ganitong kuha dahil sa kaya nilang ibenta ang mga larawang ito ng mas mabilis. Ang nakaugaliang ito ng mga atleta ay maaari ding mula sa katanungang “totoo ba ito?”, totoo bang nakapag-uwi sila ng medalya para sa bansa? o totoo ba at hindi panaginip ang kanilang pagkapanalo.


Ayon din sa NBC noong taong 2016, ipinahayag ng dating Olympic swimmer na si Natalie Coughlin at dating Olympic hurdler na si Harper Nelson na ang mga “photographer” mismo ang nagsabi sa kanilang kagatin nila ang kanilang medalya para sa mga larawan nila.
“They’re screaming, ‘Look at me!’ You just have everyone yelling demands of ‘Smile!’ and ‘Bite your medal!’” pahayag ni Harper-Nelson.



Ang pagkagat ng mga medalya ay maaring nagmula pa noong mga nakaraang taon nang ang mga medalya ay ginto pa dahil sa paraang ito ay malalaman ng atleta kung tunay ba ang kanilang gintong medalya o hindi. Ngunit sa panahon ngayon , ang mga medalya ay kadalasang “sterling silver”.

Ayon naman sa iba pang ulat ang nakaugaliang ito ng mga atleta ay mananatili na lamang bilang isang misteryo.
“We have no idea why they do it. As far as I know, it is an old habit,” pahayag ng secretary-general ng “International Society of Olympic Historians”.



error: Content is protected !!