Cute na video nina Ivana at Mona Alawi noong 2012 patok na patok ngayon sa mga netizens!



Si Ivana Alawi ay isang sikat na aktres, modelo, at social media personality. Nagkaroon siya ng maraming mga tagahanga matapos niyang magbahagi ng kaniyang mga larawan sa kaniyang Instagram account. Sa katunayan ay mayroon na siyang higit sa 1.7 milyong mga tagasubaybay sa nasabing social media platform. Dahil sa kasikatan na kaniyang tinatamasa ngayon ay hindi na nakapagtataka na naglalabasan na ang mga video niya noong hindi pa siya sumasabak sa showbiz.



Katulad na lamang ng cute na video nila ng kaniyang nakababatang kapatid na si Mona Louise Rey. Ang nasabing video ay kuha pa noong Hunyo 19, 2012 at sinasabing si Mona ay walong taong gulang pa lamang noon.


Sa pagsisimula ng viral video ay sinabi ni Ivana na ang video na kanilang ginawa ay upang matutunan ni Mona ang tamang paraan ng pag-aayos o pagme-make-up kung kaya naman gagawin niya iyon sa kaniyang ate Ivana.


Una nang nilagyan ni Mona ng “concealer” ang mga mata ng kaniyang ate. Ayon pa kay Ivana, hindi niya tinuruan ang kaniyang kapatid kung paano ang kaniyang gagawin kung kaya naman ang kalalabasan ng gagawin ni Mona ay talagang kakayanan at talento niya talaga.


Foundation ang sunod na inilagay ni Mona at saka niya isinunod ang “glittery-colored eyeshadow” sa mata ng kaniyang ate. Aakalain mong bihasa si Mona sa pagmemake-up dahil sa pagbe-blend nito ng make-up aa mukha ng kaniyang ate. “Cheek powder” at lipstick naman ang sunod na inilagay ni Mona kay Ivana. At huli na ang lip gloss para sa “finishing touches”.



Talaga namang umani ng sari-saring komento at reaksyon mula sa publiko ang cute na cute na video na ito ng magkapatid. Noon pa man talaga ay malapit na sila sa isa’t-isa. Tunay nga na kahit na mga sikat na artista na sila ngayon ay hindi pa rin maaalis ang kulitan sa kanilang magkapatid at natural na natural ito sa kanila.




error: Content is protected !!