Categories: Viral

Banana artwork na nagkakahalaga ng anim na milyong piso kinain ng isang lalaking gutom sa isang art show!

Hindi na lingid sa ating kaalaman ang mga masusugid na tagahanga ng sining na kayang-kaya gawin ang lahat para sa ninanais nilang artwork. Kahit sa Pilipinas ay marami na ding mga taong nahihilig sa ganitong uri ng pangongolekta ng mga obra maestra at sining. Ngunit aakalain ba ninyo na mayroon pa lang artwork na isang hinog na saging na nagkakahalaga ng halos anin na milyong piso?

Ang banana artwork na ito ay nakadisplay sa isang art gallery sa Miami, Florida. Sa pamamagitan ng isang “duct tape” ay idinikit sa pader ng Galerie Perrotin ang isang hinog na saging. Ang banana artwork na ito ay tinawag na “Comedian”, ito ay nabili ng isang French art collector sa halagang $120,000 o halos katumbas ng anim na milyong piso. Ang art work na ito ay likha ng isang Italyanong artist na si Maurizio Cattelan.

Maaaring napakasimple lamang ng artwork na ito ngunit nagkakahalaga ito ng ilang milyong piso! Kung kaya naman nagulat ang marami nang kainin ito ng isang lalaki na nakilala bilang si David Datuna na isang palang performance artist na nagmula sa Georgia, USA. Bigla na lamang siyang lumapit sa banana artwork at inalis ito sa pagkakadikit bago binalatan ng tuluyan at kinain sa harapan ng mga nabiglang art fans.
Mayroon pa ngang isang video kung saan makikitang kinakain ni David ang banana artwork. ““Art performance… hungry artist. I love Maurizio Cattelan artwork and I really love this installation. It’s very delicious.” Pahayag ni David habang kinakain ang saging.

Lumapit naman agad sa kaniya ang isang gallery official na kinausap siya sa isang lugar dahil sa kaniyang ginawa. Agad namang naayos ang insidente at ayon pa sa director of museum relations ng Galerie Perrotin na si Lucien Terras ay hindi naman diumano nasira nang tuluyan ang artwork dahil sa ang saging ang nagsisilbing ideya ng banana artwork na iyon. Dagdag pa niya, ang mga art collectors ay interesado sa Certificate of Authenticity na makukuha nila sa isang artwork kung kaya naman ang banana artwork na ito ay hindi magtatagal at papalitan din dahil sa kalaunan ay mabubulok din ito at kakailanganing palitan.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago