Dalawang lalaki lumusong sa lagpas dibdib na baha para gamit ang kanilang “modified” na motorsiklo!



Ilang araw pa lamang ang nakalilipas ng rumagasa sa hilagang parte ng Luzon ang bagyong Tisoy na talaga namang nagpalubog sa ilang mga kabahayan at establisyemento sa mga nasalanta nitonh lugar. Mayroon ding ilang mga bukirin at mga pananim ang hindi pinalampas ng matinding bagyong ito. Hanggang sa ngayon ay mayroon pa ring ilang mga lugar sa Cagayan Valley, Quirino, af Isabela ang hindi pa rin madaanan ng mga motorista dahil sa labis na baha dito.



Ngunit hindi lamang ang Pilipinas ang sinalanta ng bagyo ng mga nagdaang araw dahil maging ang Malaysia ay nakaranas din ng ganitong sakuna. Ilan sa mga taong naninirahan dito ang talaga namang naapektuhan. Ngunit hindi nagpapigil ang dalawang motoristang ito mula sa Seitu District sa Terengganu, Malaysia na ayusin ang kanilang motorsiklo upang makalusong ito sa matinding baha sa kanilang lugar.


Sila ay sina Ikram Shahidi at Muhammad Zakaria Mat Kail na sinadyang ayusin ang kanilang mga motorsiklo na Modenas Kriss 110 at Honda C70 na mula sa mga parte ng motorsiklong matatagpuan sa kanilang garahe.


Ang karburador ng kanilang motorsiklo ay itinaas nila ng husto at ang lagayan ng gasolina ay inilagay din nila sa mataas na bahagi ng kanilang motor. At dahil sa kanilang ginawang “modification” sa kanilang sasakyan ay nagawa nilang lumusong sa baha gamit ito na halos lagpas dibdib ang taas ng tubig-baha.


Naging usap-usapa ang kanilang viral video sa social media dahil sa kahit pa nga lubog na ang kanilang motor sa tubig-baha ay hindi pa rin ito tumitirik. Tila nagkaroon sila ng inspirasyon mula sa mga Russian riders na gumawa ng isang “submarine” mula sa isang “electric dirtbike”.



Tunay nga na napakarami nating kayang gawin kung isasapuso at isasaisip natin ang nais nating gawin o ang mga bagay na nais nating mapagtagumpayan. Kailangan lamang ng malikhain nating pag-iisip at ang pagiging mapamaraan natin.




error: Content is protected !!