Misis ng isang Canadian national nabuntis ng kanilang mga kapitbahay!



Mapalad ka kung natagpuan mo na ang taong magmamahal sa iyo ng tapat at magmamahal din sa mga taong mahal natin. Lalo na sa panahon ngayon na maraming mga taong manloloko at mapagsamantala. Kagaya na lamang ng isang Pilipina na nagloko at nanloko sa kaniyang mister na isang Canadian national.



Ang mister ay nakilala bilang si Nicholas Selin. At ang kaniyang Pinay na misis ay si Rodeliza Selin. Ayon kay Nicholas ay nagkakilala sila ni Rodeliza sa isang bar kung saan ito nagtatrabaho bilang dancer sa ibang bansa taong 2011. Naging magkaibigan sila at nagkapalagayan ng loob.


Taong 2014 nang magdesisyon silang magpakasal. Nang magpakasal na sila ay huminto na sa kaniyang trabaho si Rodeliza at pinag-aral na lamang siya at ang dalawa pa niyang mga kapatid. Nagtatrabaho sa Canada si Nicholas kung kaya namab tuwing Pasko lamang siya nakakadalaw sa Pilipinas at nagkakaroon ng pagkakataon na makapiling ang kaniyang misis. Laking tuwa niya ng malamang buntis ang misis na si Rodeliza at sila ay magkakaroon na ng anak na lalaki na pinangalanan nilang Nicholas Selin Jr. sunod sa pangalan ng kaniyang ama.


Ngunit hindi niya akalain na ang bata pala na ito ay hindi niya talaga anak kundi anak ng kanilang kapitbahay. Ang mas masakit pa dito ay buntis na naman si Rodeliza sa kaniyang ikalawang anak na diumano ay anak din ni Nicholas ngunit ang totoo ay anak pala ulit ng isa pa nilang kapitbahay. Sa ngayon ay mayroon nang bagong kinakasama na Chinese national si Rodeliza mula nang maghiwalay silang mag-asawa.


Ang isa pang kinakasama ng loob ni Nicholas ay ibinenta ni Rodeliza ang bahay na kaniyang ipinundar para sa kanila na nagkakahalaga ng higit sa P800,000. Nakakuha ng higit sa P100,000 si Rodeliza bilang paunang bayad at ang naging usapan nilang dalawa ay hati sila dito ngunit bigla na lamang nawalan ng komunikasyon si mister kay misis.



Talaga namang nakakalungkot isipin na nauwi sa hindi magandang karanasan ang dapat sana ay masaya nilang pagsasama.




error: Content is protected !!