Pagkaing putok-batok paborito ng maraming mga Pilipino!



Nalalapit na naman ang Kapaskuhan at kabi-kabilang mga handaan na naman at mga salo-salo ang ating pupuntahan. Hindi na nga nakapagtataka na sa mga panahong ito ay pinaaalalahanan tayo ng ating mga kamag-anak at kaibigan na maghinay-hinay lamang sa pagkain dahil mas mabuti nang magpigil sa pagkain ng mga hindi masusustansiyang pagkain kaysa magsisi sa huli.



Tunay ngang napakasarap kumain ng mga ganitong uri ng pagkain ngunit hindi dapat natin kalimutan na dapat maging responsable tayo sa mga pagkain na ating kinakain at maging sa mga inumin na ating iniinom. Dahil kung ano man ang kinukonsumo nating pagkain ay magiging repleksyon mismo ng ating kalusugan at pangangatawan.

Isa na marahil sa pinakapaboritong pagkain ng mga Pilipino sa mga espesyal na okasyon at handaan ay ang litson! Bukod sa litson ay hindi rin mawawala ang putok-batok na crispy pata at lechon kawali. Maraming mga netizens ang natakam sa mga larawang ibinahagi ng Facebook Page na “Memories of Old Manila”.


Isa nga sa mga larawang ito ay ang deep-fried crispy pork belly o ang lechon kawali. Mataas ang kolesterol nito dahil sa matagal na pagluluto nito sa kumukulong mantika. Napakasarap lantakan nito kung mayroong sawsawan at mainit na kanin. Siyempre hindi mawawala sa hapag kainan ng mga Pinoy ang “atsara”! Ayon sa mga espesyalista ay wala namang masama sa pagkain nito ngunit siguraduhin lamang na maghinay-hinay dito dahil ang lahat ng sobra ay nakasasama talaga sa kalusugan.


Dagdag pa ng sikat na doktor na si Doc Willie Ong, ang labis na pagkain ng mga pagkain ay nakasasama sa kalusugan dahil sa nahihirapan ang ating katawan na tunawin ito. Para sa balanseng pagkain ay nararapat din namang kumain ng masusustansyang gulay at prutas para sa maayos at wastong nutrisyon na nakukuha ng ating katawan. Hindi naman masamang kumain ng mga pagkaing “putok-batok” basta’t nasa tama at wastong pagkain lamang.




error: Content is protected !!