Sampung taong gulang na batang lalaki mag-isang naninirahan sa kanilang bahay matapos pumanaw ng kaniyang ina at ama?



Maraming mga kabataan ang nakakaranas ng pagmamahal at pagkalinga sa kanilang mga magulang lalo na sa mura nilang mga edad. Ngunit kakaiba ang batang lalaki na ito na sampung taong gulang na. Dahil sa wala na siyang ibang pamilya mula nang maulila siya sa kaniyang ama at ina at siya na lamang ang nag-alaga at umaasikaso sa kaniyang sarili.



Mula sa Vietnam si Dang Van Khuyen na sampung taong gulang. Hindi kagaya ng kaniyang mga kalaro, kaibigan, at kamag-aral ay kinailangan na niyang bantayan ang sarili sa murang edad mula nang pumanaw ang kaniyang ama at ina.


Ayon sa ilang mga ulat, ang batang lalaki ay nakatira sa isang maliit na komunidad sa Tuyen Quang Province kasama ang kaniyang lola noong pang sanggol siya. Mula noon ay hindi na nakilala pa ni Khuyen ang kaniyang ina dahil sa pumanaw na ito noong maliit pa lamang siya. Maging ang kaniyang ama ay madalang niyang makita dahil sa nagtratrabaho ito bilang isang construction worker sa nayon.


Buti na lamang ay mayroon siyang lola na siyang nagpalaki at nag-alaga sa kaniya. Umaasa lamang ang mag-lola sa tulong pinansiyal na ibinibigay ng gobyerno at sa ipinapadalang pera ng kaniyang ama buwan buwan. Sa kasamaang-palad ay pumanaw na din ang kaniyang lola dahil sa katandaan.


Ngunit hindi rin nagtagal at nabalitaan na lamang niyang pumanaw na rin ang kaniyang ama dahil sa isang aksidente. Sa kabila ng kaniyang naging karanasan ay naging matatag at matapang siya sa pagharap ng matinding hamon sa kaniyang buhay. Nagtanim siya sa kanilang bakuran ng mga gulay at halaman na kaniyang iniluluto at kinakain sa araw-araw.



Nais siyang ampunin ng iba nilang kamag-anak ngunit hindi niya ito sinang-ayunan dahil sa kaya naman daw niyang mamuhay mag-isa. Ang kaniyang guro naman ay palagian siyang dinadalawa sa kaniyang tahanan upang tingnan ang kaniyang kalagayan at tulungan siya sa kaniyang munting tahanan.




error: Content is protected !!