“King of Super Foods” kung tawagin ang malunggay at talaga namang napakaraming benepisyo nito sa ating kalusugan at pangangatawan. Maraming mga bitamina ang malunggay na malaking tulong sa mga nanay at sa mga bata. Maraming benepisyo sa kalusugan at mga magagandang mineral ang makukuha natin sa pagkonsumo ng malunggay. At isa nga sa paraan ng pagkonsumo nito ay ang pag-inom ng “malunggay tea”.
GAMOT SA DIABETES, LAGNAT AT SAKIT NG ULO
Mabisa ang malunggay sa pagpapababa ng “blood sugar level” kung kaya naman napakaganda ng epekto nito sa mga taong “diabetic”. Nilalaban nito ang mga bakteriya sa loob ng ating katawan na nakapagdudulot sa aton ng lagnat, hika, at sakit ng ulo.
PANGTANGGAL NG RAYUMA
Sa pag-inom ng malunggay tea araw-araw ay tiyak na maiibsan ang sakit na dulot ng rayuma. Ilalaga lamang ang dahon ng malunggay at iinumin ang katas nito araw-araw.
NAKAPAGPAPAGALING NG SUGAT
Para naman sa paghilom o pagpapagaling ng mga sugat, pasa, o rashes sa katawan. Mayroong mga tao na nagtatapal ng pinakuluang dahon ng malunggay sa kanilang mga sugat upang magsara ito dahil sa mayaman ito sa Vitamin A, C at E.
PANGPAGANDA NG BUHOK
Maraming mga amino acids at bitamina ang malunggay na nakatutulong upang magkaroon ng keratin o protein ang ating buho. Ang pag-inom ng malunggay tea ay nakatutulong patibayin an gating “hair roots”.
NAKATUTULONG SA PAGPAPALAKAS NG ATAY AT KIDNEY
Hindi batid ng marami na ang “malunggay” ay mayroong “detoxifying potential” na malaki ang naitutulong sa ating atay at bato. Ang pag-inom ng malunggay tea ay makatutulong sa pag-aalis ng mga toxins sa ating katawan.
PANGPROTEKTA NG MATA
Mayaman din sa Vitamin A ang malunggay na nakatutulong sa pagprotekta ng ating mga mata. Nakasanayan na natin ang labis na pagtutok at paggamit ng ating mga gadgets at computer na nagiging dahilan ng pamumula ng ating mga mata o unti-unting paglabo ng mga ito.