Uso na naman ang ubo at sipon sa Pilipinas ngayon kung kaya naman ito ang lima sa mga “home remedies” na maaari mong gawin!



Marami sa atin ngayon ang nakararanas ng mga hindi inaasahan at biglang sakit dulot na rin ang paiba-ibang panahon sa ating kapalligiran. Kung sa umaga ay napakalamig, sadyang napakainit naman bandang tanghali at hanggang sa pagsapit ng hapon. Madalas ay maalinsangan sa gabi at pagdating ng madaling araw ay iihip na naman ang malamig na hangin. Sa katunayan, nasa animnapung pasyente araw araw ang nagtutungo sa East Avenue Medical Center sa Quezon City para maipatingin sa espesyalista ang grabeng ubo at sipon nila.

Ang labis na sipon at pag-ubo ay maaaring magdulot ng Pneumonia kung hindi maagapan at magagamot kaagad. At ang sakit na Pneumonia ay maaari ding maging sanhi ng maagang pagpanaw. Ito ay ayon na rin sa pahayag ni Dr. Lyndon Leesuy, ang “program manager of infectious d!seases” ng Department of Health (DOH). Upang maagapan at magamot kaagad ang sipon at ubo ay dapat uminom ng maraming tubig ang isang taong nakararanas ng ganitong klaseng karamdaman, bukod pa rito ay dapat din na kumain ng masusustansiyang pagkain, magkaroon ng sapat na pahinga at umiwas sa “stress’ na maaaring maging sanhi ng pagkakaroon ng iba pang mga sakit o karamdaman.



Si Dr. Jaime Galvez Tan, isang “herbalist” at propesor sa University of the Philippines College of Medicine ay nagbahagi ng limang mga paraan kung paano mawawala ang sipon at ubo o di kaya naman ay trangkaso na ating nararanasan. Ilan sa mga maaaring gamiting gamot ay ang mga halaman na madalas ay makikita lang natin sa ating bakuran. Ngunit nilinaw din naman ng DOH na dapat ay mayroong kasabay na tamang konsultasyong medical ang mga ito para sa mabisang epekto.

LAGUNDI





Ang palumpong o shrub na ito ay ineendorso ng DOH na mainam na panggamot sa ubo t sipon dahil sa “cooling, antihistamine at muscle relaxant properties” nito. Maglagay lamang ng pitong dahoon ng lagundi sa isang tamang lalagyan at dalawang baso ng tubig at saka ito pakuluan. Inumin ito kada apat na oras.



ALAGAW



Ang halaman na ito ay sa Pilipinas lamang matatagpuan at kilalang kilala ito sa mabango nitong samyo. Maglagay lamang ng mga dahoon ng alagaw sa tamang lalagyan at saka ito pakuluan. Inumin ito kada apat na oras.



OREGANO




Maglagay ng tatlo hanggang limang piraso ng dahoon ng oregano sa tamang lalagyan na mayroong mainit na tubig sa loob ng 15 minuto. Inumin ito upang guminhawa ang pakiramdam mula sa sipon at ubo.

LUYA


Hiwain ang luya ng pahaba o “julienne cut”. Isang manipis na piraso nito ay maaaring ilagay sa bibig upang maging isang “throat lozenge”.

CALAMANSI




Ang prutas na ito ay maaari namang ihalo sa “honey” o sa asukal at saka lagyan ng tubig upang maging tsaa.





error: Content is protected !!