Camille Prats ipinasilip sa publiko ang ilang mga larawan ng itinatayong dream house nila!



Si Sheena Patricia Camille Quiambao Prats o mas kilala ng publiko bilang si Camille Prats ay 34 na taong gulang na aktres at endorser. Siya ang nakababatang kapatid ng aktor, direktor at dancer na si John Prats. Marami ang nabigla nang magdesisyon siyang lumagay sa tahimik noong magpakasal siya sa kaniyang unang asawa na si Anthony Linsangan ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nabalo siya ng maaga at ang kaniyang panganay na anak na si Nathan.



Taong 2017 ay muli siyang ikinasal sa negosyanteng si John Yambao sa Batangas. Sa ngayon ay aktibo pa rin siya sa show business at masayang namumuhay kasama ang kaniyang tatlong mga anak na si a Ice, Nala at Nolan.


Kamakailan lamang ay nagbahagi sila ng ilang mga larawan sa social media nang binisita nila ang construction site ng ipinapagawa nilang dream house. Naging napakagandang regalo para sa buong pamilya ang pagsisimula ng kanilang pangarap na bahay. Narito ang naging caption ni Camille sa kaniyang post:
“God’s amazing and abundant blessings unfolding right before our eyes. All because of Him and Him alone. In this site will rise our future dream home all glory and honor to God Almighty a very merry Christmas indeed.” Pahayag ng Kapuso actress at host.


Dalawang taon na ring kasal sina VJ at Camille. Mayroon silang apat na anak, si Nathan na anak ni Camille sa pumanaw nitong mister, si Ice na anak ni VJ sa dati nitong nobya, si Nala na “unica hija” ng mag-asawa at si Nolan na kanilang bunso. Talaga namang napakasaya ng kanilang malaking pamilya lalo pa ngayon at magkakaroon na sila ng sarili nilang tahanan.



Maraming mga netizens ang talaga namang humanga at bumilib sa mag-asawa na ito dahil sa wakas ay matutupad na nila ang isa sa kanilang mga pangarap. Nagsisilbi silang inspirasyon para sa maraming mga tao na patuloy na nangangarap makamit ang kanilang mga pangarap para sa kanilang pamilya.




error: Content is protected !!