Umantig sa mga netizens ang larawan ng batang ito na naging emosyonal dahil sa kaniyang simpleng handa sa kaniyang kaarawan!



Tayong mga magulang, wala tayong ibang hangad para sa ating mga anak kung hindi ang maging masaya sila, ligtas, kuntento sa buhay, at magkaroon ng magandang buhay. Walang sinumang magulang ang nagnanais na mapahamak ang kaniyang mga anak kung kaya naman maraming mga magulang sa ngayon ang nagkakanda-kuba na sa kakatrabaho para lamang kumita ng pera at masuportahan ang kanilang mga anak sa kanilang pag-aaral at sa mga bagay na gusto lalo na ang hiling nila sa pagsapit ng kanilang kaarawan.



Nakasanayan na ng marami sa atin ang maghanda ng masasarap na pagkain, mga palaro at mga regalo sa isang batang nagdiriwang ng kaniyang kaarawam ngunit hindi naman lahat ng tao ay isinilang nang mayaman kung kaya naman sa mga simpleng handa lamang ay nakukuntento na ang marami sa atin. Ngunit kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang bata na ito na naging sobrang emosyonal dahil sa natanggap niyang sorpresa mula sa kaniyang pamilya at mga kaibigan. Hindi mapigilan ng bata na maiyak nang makita ang simpleng handa ng mga taong nagmamahal sa kaniya.

Kahit pa nga ilang tinapay at softdrinks lamang ang handa ng batang babae ay masayang masaya siya dahil sa naroon din ang kaniyang mga kaibigan na kasama niyang nagdiriwang ng kaniyang kaarawan kabilang na rin ang kaniyang pamilya. Wala pang pagkakakilanlan ang bata sa larawan at wala rin namang nakasaad kung saang lugar kuha ito. Ngunit sa kabila nito ay talaga namang umani ng napakaraming mga komento at reaksyon mula sa publiko ang viral post na ito. Sa kasalukuyan ay mayroon nang higit sa 25,000 na mga reaksyon, higit sa 1,000 mga komento at 80,000 na mga shares sa social media.


Tunay nga na ang kagalakan at kakuntentuhan sa ating mga puso matatagpuan at hindi sa mga bagay na nabibili ng salapi. Maaaring mayroong mga bagay na meron tayo ngayon ngunit hindi natin nabibigyan ng halaga, ngunit sa larawang ito ay makikitang sa simpleng handa lamang ay masayang masaya na ang bata.