52-anyos na nanay madalas na napagkakamalan bilang nobya ng kaniyang mga anak dahil sa kaniyang angking kagandahan!



Kadalasang makikita o mapapansin natin sa mga taong 50 taong gulang pataas ay ang kanilang mga kulay abo na buhok na halos malapit na ding pumuti o di kaya naman ay kulubot na balat at mga pangingitim ng bandang ilalim ng kanilang mga mata.



Ngunit ang 52 taong gulang na ito mula sa Indonesia ay talaga namang hinahangaan at kinabibiliban ng marami dahil sa kaakit-akit niyang ganda at balingkinitan niyang pangangatawan. Aakalain mo nga na siya ay higit sa 20-anyos o 30 taong gulang lamang sa unang at ikalawang tingin. Kung hindi mo pa alamin ang kaniyang tunay na edad ay hindi mo malalaman na siya ay higit na sa 50 taong gulang.


Siya ay nakilala bilang si Puspa Dewi na madalas ay kinabibiliban at kinaiinggitan dahil sa kaniyang angking kagandahan at batang hitsura bukod pa ang kaniyang magandang pangangatawan na talaga namang pinapangarap ng maraming mga kababaihan sa panahon natin ngayon. Ang kabigha-bighaning babae na ito ay mula sa Jakarta at siya ay isa ring matagumpay na entreprenyur na namamahala din ng kaniyang sariling “YouTube Channel” na “Hadi Genetics”.


Kilalang-kilala din siya sa social media platform na Intagram dahil sa kaniyang higit na 390,900 na mga tagasubaybay. Malimit siyang nagbabahagi ng mga magaganda niyang larawan at video sa kaniyang mga social media account na talaga namang hinihintay ng kaniyang mga tagahanga.


Kilala din siya bilang si “Mama Hadi” at talaga namang umani ng napakaraming mga komento at reaksyon mula sa publiko ang kaniyang mga larawan habang siya ay nagdiriwang ng kaniyang ika-50 taong kaarawan. Ang isa sa kaniyang mga anak na lalaki na si Dennis Hadi ay nagbahagi ng kanilang larawan habang nakaupo si Dennis sa tabi ng kaniyang ina habang mayroon itong hawak-hawak na cake na mayroong “50” na kandilang nakalagay dito.



“To my wonder woman: Happy Birthday Mom, thank you for giving your very best being a great mother. Stay pretty and awesome! Love you always! #mamahadi #hadigenetics” Ito ang naging “caption” ng kaniyang anak para sa larawa nila na ibinahagi nito online.

Bagamat madalas napagkakamalan siyang nobya ng kaniyang mga anak dahil sa kaniyang batang hitsura ay ayon sa kaniya ay nagiging repleksyon lamang niya ang kaniyang kasiyahan sa araw-araw dahil sa malalaki na ang kaniyang mga anak at nagagawa na rin niyang magpatakbo ng negosyo na gusto niya talaga.




error: Content is protected !!