Batang atleta na nag-viral sa social media dahil sa pagtakbo niya ng walang mga sapatos at pag-uuwi ng tatlong gintong medalya, umani ng maraming paghanga at tulong mula sa publiko!



Muli na namang pinatunayan ng mga Pilipino ang kanilang husay ay galing sa larangan ng sports. Kahit pa kalaban ay mga dayuhang bansa, tunay nga na hindi sila nagpatalo at hindi sila nagpaawat na mag-uwi ng mga karangalan. Sa naging matagumpay na pagdiriwang ng Southeast Asian Game (SEA Games) sa Pilipinas ay tunay nga na naramdaman ng maraming mga atletang Pinoy ang sama-samang pagsuporta ng maraming mga Pilipino para sa kanila at para sa karangalan ng ating bansa. Kung kaya naman hindi na nakapagtataka na ang Pilipinas ang tinanghal na “over-all champion”.


Kamakailan lamang ay naging maingay na usap-usapa sa social media ang batang estudyanteng ito na napukaw ang puso at atensyon ng publiko dahil sa kaniyang gawa-gawang sapatos na mula sa brown na surgical tape! At ang mas nakakaaliw pa rito ay ang pagdodrawing niya ng sikat at kilalang brand ng sapatos dito.



Ngunit kahit pa nakakaaliw ang likha niyang pangyapak ay hindi mapigilan ng maraming mga netizens na maawa at mahabag sa batang atletang ito na kahit pa nga walang maayos na pares ng sapatos ay nagawa pa rin niyang makapag-uwi ng tatlong mga medalyang ginto!


Ang netizen na nagbahagi ng larawan ng 11-anyos na batang atleta ay si Predirick B. Valenzuela. Ang batang ito ay nakilala bilang si Rhea Bullos na mula pa sa Bulasan, Iloilo. Ang mahusay na batang atleta ay lumahok sa tatlong katergorya ng Iloilo Schools Sports Council Meet 2019. Si Rhea ay tinanghal na “gold medalist” sa 400, 800, at 1,500 meter-run sa elementary division ng athletic meet sa “Track and Field”. Proud na proud naman ang kaniyang mga guro at kamag-aral sa Salvacion Elementary School sa ipinakita niyang husay at pagsusumikap na makapag-uwi ng karangalan para sa kanilang paaralan.




Bukod pala kay Rhea ay nakasuot din ng gawa-gawang sapatos ang ilan sa mga kapwa niya atleta na sina Hazel Joy Suya at Mark Anthony Dichosa na parehong nagwagi ng “bronze medal”. Nagpaabot ng tulong para kay Rhea ang UAAP MVP at champion mula sa Ateneo de Manila University na si Thirdy Ravena. Mayroon ding ilan pang mga mabubuting puso ang nagbigay ng sapatos at ilan pang tulong kay Rhea na makikita din ang mga larawan sa social media.




error: Content is protected !!