Isang malikhaing ama gumawa ng “standee” ng kaniyang misis upang hindi na umiyak ng umiyak ang kaniyang anak!



Sa panahon natin ngayon, tunay nga na kaniya-kaniya na rin tayo ng mga dahilan at sitwasyon patungkol sa pag-aalaga ng ating mga anak. Mayroong mga magulang na nasusubaybayan ang paglaki ng kanilang mga anak ngunit mayroon din namang mga magulang na walang ibang mapagpipilian kung hindi ang magtrabaho kahit pa sa malayo para lamang sa kanilang mga anak. Madalas ay nararanasan ng mga magulang ang hirap ng loob dahil na rin sa paghahabol ng kanilang mga anak sa kanila at ang labis na pag-iyak ng mga ito dahil sa ayaw nilang mawalay sila sa kanilang ina o ama.


Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang Japanese daddy na ito sa kaniyang nakakabilib na diskarte upang mapatahan ang kaniyang anak na malimit na umiiyak at humahabol sa kaniyang misis sa tuwing aalis ito. Maraming mga netizens ang natuwa sa paraang ito na ayon sa kaniya ay epektibo naman daw ang paraang ito.



Ang post na ito ay mula sa page na “The Ideal King”, ayon sa kanilang post madalas na umiiyak ang anak ng Japanese daddy na ito kung kaya naman nilagyan niya ng “standee” ng kaniyang misis ang iba’t-ibang parte ng kanilang bahay upang mapatahan ang anak. Mapapansin sa mga larawan na ang “standee” ng ina ay matatagpuan sa kusina at sa sala kung saan iba iba din ang posisyon ng ina, mayroong nakaupo at mayroong nakatayo na posisyon sa standee.



Umani ng napakaraming mga komento, reaksyon, at likes ang post na ito. Sa katunayan ay mayroon nang higit sa 15,000 na mga reactions, higit sa 9,000 na mga komento, at higit sa 17,000 na mga shares. Ilan sa mga netizens ang nagbigay ng suhestiyon sa Japanese daddy na maaari ding mag-record ng boses ng ina upang mas maging makatotohanan ang ito ngunit ang ilan naman ay nagsabi na kung sa bahay nila gagawain ito ay talaga namang magugulat sila kung makakita sila ng ganitong “standee” sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang tahanan. At lalo nang nakakatakot ito kung gabi o hindi kaya naman ay madilim ang lugar.




error: Content is protected !!