Social Security System naglabas ng panibagong mga guidelines sa mabilisang pagpoproseso ng “maternity benefit claims”



Ang Social Security System ay lumikha ng karagdagang mga patnubay upang mapabilis ang pamamaraan sa pagtanggap at pagpoproseso ng “maternity benefit claims” kasunod ng “Ease of Doing Business Act” at “Expanded Maternity Law”. Nilinaw naman ng SSS President at Chief Executive Officer na si Aurora Ignacio na ang mga bagong “service procedures” at “standards” ay idinisenyo upang mapabilis ang pagpoproseso ng mga “maternity benefits”.



Dagdag pa niya, pinasimple na lamang ang mga dokumento na kakailanganin para sa pagpoproseso nito kagaya na lamang ng additional requirement para sa mga “cesarean deliveries”. Ang mga simpleng pagkakaiba-iba naman o pagkakamali sa mga ito ay mabilis ding mapoproseso basta mayroon nang pagkakakilanlan ang mga miyembro na magnanais na maiayos ang kanilang benipisyo. Maging ang mga kababaihan na nagnanais na mai-update o mapanatili ang kanilang mga apelyido sa pagkadalaga ay maaaksyunan na din.


Ayon din sa “Business Mirror”, ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) naman na miyembro ng SSS mula pa sa ibang mga bansa ay maaari nang ma-enjoy ang mura at mas mabilis na pagpoproseso ng mga dokumento dahil sa maaari na rin silang magpasa ng mga pangsuportang dokumento mula sa “municipal health officer” o di kaya naman ay diagnostic test result” kagaya na lamang ng ultrasound o blood pregnancy test.


Samantalang ang mga “solo parent” naman ay maaaring magpakita ng kanilang solo parent ID na na-issue dalawang taon mula nang magkaroon sila ng “date of delivery or certification of eligibility of the solo parent” na mula sa lokal na pamahalaan na mayroong lagda ng social worker o ng city/municipal mayor upang makuha ang benepisyo.



Ang nasabing pension fund ay maaari na ding tumanggap ng self-employed, voluntary, OFW, at “nonworking spouse” na mga miyembro sa pamamagitan ng kanilang e-channels tulad na lamang ng SSS Mobile app o ng My.SSS sa www.sss.gov.ph. “With these new guidelines in place, we hope our members and their employers may conveniently access our maternity benefit program,” pagbabahagi ni Ignacio.




error: Content is protected !!