Ano nga ba ang dahilan kung bakit sikat na sikat sa maraming mga Pilipino ang bibingka at puto bumbong!



Simbang gabi na naman, ilan lamang sa mga kilalang bagay na ginagawa ng maraming mga Pilipino para sa pagdiriwang at pagsalubong natin ng Kapaskuhan. Ang simbang gabi ay isang misa na ating ginagawa sa loob ng siyam na gabi o di kaya naman ay madaling araw bago pa man ang araw ng Kapaskuhan. Isa ka rin ba sa mga taong naniniwala na kapag nakumpleto mo o nabuo ang simbang gabi ay magkakaroon ka ng pagkakataon na matupad mo ang iyong kahilingan. Ang pagpapahalaga ng maraming mga Pilipino sa pagsilang ni Hesukristo ay naipapakita sa pagsunod ng mga ganitong kaugalian.



Kung ang simbang gabi ay nariyan na, tiyak na hindi rin mawawala sa makulay nating the tradisyon ang masasarap na bibingka at puto bumbong. Sa tuwing sasapit ang simbang gabi ay kabi-kabilang mga tindahan ang nagtitinda ng masasarap na kakaning ito. Kahit pa mabibili naman ang mga kakanin na ito kahit anong araw sa buong taon sadyang napakaespesyal pa rin talaga kung sa bawat pagdalo ng simbang gabi ito pinagsasaluhan ng pamilya.


Ayon sa mga historyador, ang pagkain ng mga kakaning ito ay tradisyon na natin noon pang panahon ng mga Kastila. Ayon pa sa ilang mga ulat, maraming mga magsasaka at manggagawang Pilipino ang nagsisimba muna bago magsimula ng kanilang mga trabaho. Kung kaya naman mas mainam para sa kanila ang kumain ng pagkaing mabigat sa tiyan katulad na lamang ng bibingka at puto bumbong. Dahil na rin sa magaan lamang ito at madaling dalhin ay naging popular ito sa maraming mga Pilipino. Hindi lamang ito nakakabusog kundi napakadali pa nitong dalhin lalo na kung nagmamadali ang mga Pilipino para sa kanilang trabaho.


Nakasanayan nang katambal ng bibingka ang puto bumbong at siyempre hindi rin mawawala ang mainit na salabat na tamang tama sa gutom na sikmura at malamig na panahon. Sadyang napakakulay ng pagdiriwang ng mga Pilipino ng Kapaskuhan.





error: Content is protected !!