Hinangaan ng publiko ang tricycle driver na ito dahil sa kaniyang pagluhod at pagdarasal habang lumilindol sa Davao del Sur



Sa panahon ng mga pagsubok, kagipitan o kapahamakan, marami sa atin ang lumalapit sa ating mga kakilala at mga kamag-aanak, maging sa ating mga kaibigan at lalo na sa ating mga mahal sa buhay. Ngunit higit sa lahat hindi rin natin dapat kalimutan na dumulog at humingi ng tulong sa ating Panginoon.



Ito ang naging paalaala sa atin ng tricycle driver na ito mula sa Davao del Sur. Naging laman ng mga balita sa telebisyon, radio, o maging sa internet man ang sakuna na nararanasan ngayon ng mga kapwa natin Pilipino na nakatira sa Davao, partikular na sa Davao del Sur kung saan namataan ang lalaking ito na talaga namang hinangaan ng publiko dahil sa kaniyang kahanga-hangang pananampalataya lalo na sa gitna ng sakuna.


Ito ay matapos makaranas ng magnitude 6.9 na lindol ang Davao del Sur na na naging dahilan upang mapinsala maging ang mga karatig nilang bayan. Maraming mga Pilipino ang nabahala at nag-alala dahil sa sunod sunod na mga kalamidad na nararanasan ng iba’t-ibang mga lugar dito sa ating bansa.

Narito ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens:
“Praying for the safety of our dear kababayans in Mindanao, particularly those who experienced this recent earthqÜake. Ingat po.”


“Yes! In all aspects of our Lives Prayer is the Most Initial / First Source of Strength… Courage…& Protection! Sending Prayers For all People in Mindanao to be safe & alive…”

“That’s what most of the Christians do… In times of danger pray, in times of happiness pray… To God be the Glory”



“Tama yan dasal talaga ng mataimtim… May awa si Lord di sila pababayaan dyan sa Mindanao…”

“Tama ka kuya ang Dios lang ating sandigan sa oras ng sakuna amen”


Talaga namang nakakamangha ang mga ganitong uri ng pangyayari. Tunay nga na marapat lamang na maging matatag ang ating pananampalataya sa ating Diyos at pag-ibig sa ating mga kapwa sa mga ganitong uri ng panahon.




error: Content is protected !!