Janine Gutierrez pinamangha ang mga netizens sa kaniyang nakakabighaning “bikini photos” na ibinahagi niya sa social media!



Si Janine Marie Elizabeth Olson Gutierrez ay mas kilala ng publiko bilang si Janine Gutierrez. Siya ay 30-taong-gulang na aktres, host sa telebisyon at commercial model. Siya ay nakapagtapos ng kursong “European Studies” sa Ateneo de Manila University. Siya ay panganay sa apat na magkakapatid. Galing siya sa malaking pamilya ng mga artista. Ang kaniyang mga magulang ay sikat na mga artista din, sina Ramon Christopher Gutierrez at Lotlot de Leon. Ang kaniyang lolo at lola ay sina Pilita Corrales at Eddie Gutierrez.


Kilala siya sa kaniyang mahusay na pagganap hindi lamang sa mga pelikula kung hindi maging sa ilang mga programa din sa telebisyon. Kamakailan lamang ay nawindang ang maraming mga netizens dahil sa kaniyang napakaganda at kaakit-akit na swimsuit photo na ibinahagi niya sa kaniyang Instagram noong ika-14 na araw ng Disyembre. Maraming mga netizens at kapwa niya mga artista ang hindi magkamayaw sa pagkokomento sa larawan ng Kapuso actress.




Nakasuot siya ng Roxy floral bikini na talaga namang ikinamangha ng maraming mga netizens. Dahil sa talaga namang alagang-alaga ang katawan nito na sadyang napakabalingkinitan. Ang nasabing post ay mayroon kaagad higit sa 40,000 na mga “likes” tatlong oras matapos itong mai-post. Ilan sa mga pangalang itinawag sa kaniya ng publiko ay “Barbie”, “Pang-Miss Universe”, “Dyosa”, “Dyesebel”, at iba pa.


Tunay nga na isa siya sa mga pinakahinahangaang aktres sa industriya ng show business ngayon hindi lamang dahil sa kaniyang angking kagandahan at magandang pangangatawan kung hindi dahil na rin sa kaniyang kahusayan sa kaniyang larangan. Ang kaniyang viral na larawan ay maaaring kinainggitan ng maraming mga kababaihan at hinangaan ng maraming mga kalalakihan, ngunit higit sa lahat ay nagsilbi siyang inspirasyon para sa mga taong nawawalan ng kumpiyansa sa kanilang mga sarili dahil na rin sa kanilang panglabas na kaanyuan, sa kanilang pangangatawan o sa kanilang hitsura.





error: Content is protected !!