Magandang balita: Prayoridad ng Germany ang Pilipinas sa pangangailangan nila ng 30,000 na mga “medical workers”!



Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang bansang Germany ay nangangailangan ng tatlumpung libong (30,000) hospital workers kabilang na ang mga nars sa susunod na taon. “They need 30,000 nurses, hospital workers, and medical workers. That’s a big number,” payahag ni Sec. Belo. Nitong nakalipas na buwan lamang nang ibalita ng DOLE na umaasa ang bansang Germany na makapag-hire ng mga nars na Pilipino sa susunod na taong 2020 sa ilalim ng Triple Win Project. Ayon na rin sa mga impormasyon mula sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang Germany ay nakapag-hire na ng mahigit 900 sa pamamagitan ng Triple Win Project simula pa noong 2013.



“They want to hire as many as they can, and we have many nurses that are well qualified,” karagdagang pahayag pa ni Sec. Belo. Ang Triple Win Project ay isang government-to-government agreement hiring program sa pagitan ng ating bansa, ang Pilipinas at ang Federal Republic of Germany.


Ang proyekto na ito ay nabuo dahil sa kakulangan ng mga nars sa Germany. Sa ngayon, ang “job vacancies” ay mas nakahihigit kaysa sa bilang ng mga “qualified jobseekers”. Ayon pa sa pagtataya ng mga eksperto mangangailangan ng 150,000 bagong nurses sa taong 2025 ang “nursing sector” ng Germany.


Ang mga bansang tulad ng Bosnia at Herzegovina; Serbia, at Pilipinas ay mayroong sobra-sobrang bilang ng mga qualified nurses na hindi kayang ma-absorb ng “local labor markets”. Nakakalungkot mang isipin ngunit naging dahilan ito ng mataas na lebel ng kawalan ng trabaho ng ilang mga “medical personnel” sa mga nabanggit na bansa.



Ito pala ang mga benepisyo na makukuha nang dahil sa Triple Win Project na ito. Una na rito ay gagaan problema ng ating bansa sa kawalan ng trabaho sa mga bansang nabanggit. Ikalawa na rito ang mga magiging “remittances” ng mga migranteng manggagawa na ito ay makatutulong sa bansang kanilang pinagmulan. At ang huling dahilan ay maiibsan na ang kakulangan ng mga nars sa bansang Germany.




error: Content is protected !!