Libreng pangkulot na makikita lamang sa bukid usap-usapan ngayon sa social media!



Ang mga kababaihan ay kilala sa pagkakaroon ng malinis at maayos na pangangatawan. Kahit bata pa lamang ay talaga namang tinuturuan na sila kung paano mahalin at pangalagaan ang kanilang sarili. Sa paglipas ng panahon ay marami na ngayong paraan upang mapanatili ang malinis at maayos na pangangatawan. Ilan na sa mga ito ay pagpunta sa mga spa kung saan maaari kang magpalinis ng iyong mga kuko, ng iyong balat, at maging ng iyong mukha.



Sa mga salon o beauty parlor naman ay maaari kang magbayad ng serbisyo kung saan ikaw ay pagagandahin nila lalo sa pamamagitan ng pagmemake-up o di kaya naman ay pag-aalaga ng iyong buhok na maaari mong ipaayos upang mas maging malambot at matuwid o di kaya naman ay kulot. Sadyang mayroon nga lang kamahalaan ang mga serbisyong ito.

Ngunit alam niyo ba na noong panahon pa ng ating mga lola at nanay ay mayroon nang libre at natural na pamamaraan upang makulot ang ating mga buhok? Ito ay ginagawa na ng maraming mga Pilipino noon pa man. Ang viral photo na ito ay mula pa sa Facebook page ng “Memories of Old Manila na ibinahagi ng isang netizen na nakilala bilang si Justin Mae Valiente Barro. Ibinahagi niya ang isang larawan ng dalaga na kinulot ang buhok sa pamamagitan ng tangkay ng kamoteng kahoy.



Marami namang nga netizens ang naka-relate at nakaalala sa dating gawi nila sa pagkukulot ng kanikang mga buhok. Narito ang kanilang mga naging komento:

“Ito iyong uso na pag-aayos ng hair noong year 1960’s. Mapabata, mapa-teen-ager mapa-dalaga man o senior na babae. Wala itong anumang gastos. Punta ka lang sa malapit na gubat”


“Yan ginagawa namin ng mga kaibigan ko noon.”

“Yes tangkay yan ng dahon ng kamoteng kahoy“



“Yes effective ito. Lahat mga bata sa amin noong 70’s to 80′ nakaranas ng ganyan.”




error: Content is protected !!