Unli-rice ng isang kilalang kainan, tuloy pa rin sa kabila ng naranasang lindol!



Ang Pilipinas ay nakararanas ng maraming mga sakuna at kalamidad sa loob ng isang taon. Ngunit sa kabila ng mga kalamidad na ito ay patuloy at patuloy pa rin tayong bumabangon dahil na rin sa pagmamalasakitan at pagtutulungan ng bawat isa sa atin.



Kahit mga sikat na artista at personalidad ay hindi nagdadalawang-isip na tulungan ang ating mga apektadong kababayan. At iba pang mga pribadong organisasyon ang tumutulong sa mga taong nasalanta. Tunay nga na ang bayanihan at pagmamahalan ng bawat Pilipino ay hindi pa rin matatawaran.


Ngunit sa kabila ng mga unos na ito, ang mga Pilipino ay sadyang kilala din sa pagiging masayahin at positibo sa buhay. Katulad na lamang ng naganap lindol sa Mindanao. Marami ang natuwa dahil sa video na ito na kumakalat ngayon sa iba’t-ibang social media platforms. Sa nasabing viral video ay makikita ang mga crew ng isang popular na restaurant na inaasikaso ang kanilang mga customer kahit pa nga nasa labas na sila ng gusali dahil sa naganap na lindol.


Sa kabila nga ng takot at pangamba ng mga taong nakaranas ng lindol ay hindi pa rin maiaalis sa ating mga Pilipino ang likas nating kasiyahan. Sa katunayan, ang isa pa nga sa mga service crew nila ay nag-aalok pa ng “unli-rice” sa mga customers nilang nasa labas rin na hindi din naman hinindian ng mga kumakain nilang customer. Kahit nasa labas na sila ng gusali dahil sa lindol, bahagyang nabawasan ang takot sa kanilang mga puso. Umani ng sari-saring komento mula sa mga netizens ang nasabing post na halos puro positibo ang mga nakuhang puna mula sa publiko.


Nakakalungkot mang isipin dahil marami ang nasawi at nasaktan sa naganap na 6.9 magnitude at Intensity VII na lindol sa Matanao, Davao del Sur nito lamang Linggo ngunit ang pagtutulungan nating mga Pilipino ay hindi matatawaran lalo na sa mga ganitong pangyayari.






error: Content is protected !!