Isang estudyante na mahuhuli na sana sa kaniyang klase, swerte pa din dahil nakasabay ang kaniyang guro sa sinasakyang bus!



Hindi magiging kumpleto ang iyong karanasan bilang isang mag-aaral kung hindi mo naranasang mahuli sa klase. Kahit ano pang aga ng iyong gising o bilis mong gumayak, talaga namang mahuhuli ka sa eskwela kung hindi mo kalkulado ang iyong gugugulin na oras sa iyong biyahe lalo na kung malayo pa ang iyong bahay sa inyong paaralan. Maaaring maging dahilan ang malimit na pagkahuli sa klase sa mababang marka o di kaya naman ay mapagalitan ng guro o propesor.



Ngunit kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang maswerteng estudyanteng ito na inakala niyang huli na siya sa kanilang klase nang bigla niyang makita at makasabay sa sinasakyang bus ang kanilang guro. Ito ay mula sa “My Day” ng isang Facebook user na nakilala bilang si Bryan Allen Francisco Parado na ibinahagi naman ng kaibigan nito na si John Jerick Flores sa kaniyang social media account.

Buong pag-aakala ng estudyante na absent na siya sa klase nila ngunit buti na lamang at maging ang guro nito ay late din katulad niya.
“Akala absent na naman ako kasi late, buti na lang late din si ma’am,” ito ang pahayag ni Bryan kalakip ng larawan niya kasama ang kaniyang guro.
Natuwa si John Erick dito kung kaya naman nah-screenshot siya ng “My Day” ng kaibigan niya kung kaya naman naisipan niya din itong ibahagi sa kaniyang social media account na agad agad din namang umani ng sari-saring komento at reaksyon mula sa publiko. Sa ngayon ay mayroon na itong higit sa 27,000 mga reaksyon at higit sa 30,000 na mga komento.


Ang viral post na ito ay patok na patok sa maraming mga netizens dahil sa panahon ngayon ay tila nagiging maliit na bagay na lamang at nakakasanayan na ang pagiging huli sa klase man o sa trabaho. Ngunit dapat din nating siyasatin ang ating sarili kung aksidente lamang o nagkataon ang pagiging late natin o di kaya naman ay nagiging kaugalian na at nakakasanayan na lamang natin araw-araw. Dahil sa bandang huli, mas mabuti pa rin na maging wasto tayo sa lahat ng bagay lalo na kung patungkol sa ating pag-aaral o trabaho.





error: Content is protected !!