Isang OFW nagbahagi ng kaniyang sariling kwento kung ano ang pinakamasakit na parte ng pagtatrabaho sa ibang bansa!



Marami sa mga pamilyang Pilipino ang tiyak na makaka-relate sa hirap at sakit na nararanasan ng mga kababayan nating Overseas Filipino Worker lalo na ngayong panahon ng Kapaskuhan. Kamakailan lamang ay naantig ang publiko sa pagbabahagi ng isang netizen ng kaniyang karanasan patungkol sa “pinakamasakit” na pinagdaraanan ng nga OFW sa kanilang trabaho sa ibang bansa.



Ang OFW na ito ay nakilala bilang si Alfrido Rubin Jr., ayon sa kaniya ang pinakamasakit para sa mga katulad niyang OFW ay ang pamamaalam sa kanilang pamilya at mahal sa buhay bago sila magtungo sa airport.
“Eto ‘yung pinakamasakit na part, sa buong buhay natin, ‘yung kailangan mo ng magpaalam dahil aalis ka na. Masaya nga dahil natupad ang pangarap natin na magtrabaho abroad, masakit pa rin isipin dahil malalayo tayo sa mga mahal natin sa buhay,” pagbabahagi niya.


Mapapansin sa viral video na sobra sobra ang kalungkutan ng kaniyang pamilya dahil sa aalis na naman siya ay magtatrabaho sa ibang bansa. Dagdag pa ni Alfrido, sadyang napakasakit diumano sa kaniya ang iwanan ang kaniyang mga mahal sa buhay para lamang magtrabaho sa ibang bansa. Maraming mga netizens ang talaga namang napaluha sa pamilyang ito, dahil sa hindi lamang sila ang nakakaranas ng ganitong uri ng kalungkutan at pangungulila sa kanilang mahal sa buhay.


Tunay nga na marami tayong mga kakilala o mahal sa buhay na nagsusumikap na magtrabaho sa ibang bansa para sa pag-abot ng kanilang mga pangarap sa buhay. Ngunit higit pa rito ay nais din nila na maiangat ang pamumuhay ng kanilang bawat pamilya. Sa kabila ng pangungulila at kalungkutan na kanilang nadarama ay talaga namang pinagsusumikapan nila na malampasan ang mga ito upang magawa nila ang dapat nilang gawin kahit malayo sila sa kanilang mahal na pamilya.


Tiyak na magsisilbi ito bilang isang napakagandang inspirasyon para sa maraming mga pamilya upang makita ang paghihirap at pagsusumikap ng ating mga OFW workers. Tunay nga na sila ang isa sa mga buhay na bayani ng ating henerasyon ngayon.






error: Content is protected !!