Nawalang pera ng isang netizens naisauli sa kaniya makalipas nang halos tatlong taon!



Sa panahon natin ngayon, mahirap na para sa atin ang magtiwala sa mga taong hindi natin kadugo o kapamilya. Sa katunayan nga ay kahit kamag-anak mo pa ay hindi mo din masisiguradong hindi ka lolokohin. Ngunit sa kabila ng mga ganitong uri ng kaganapan sa ating lipunan ngayon ay nakakatuwa pa ring malaman na mayroon pa rin pa lang mga tao na mayroong mabuting puso, may dignidad at may prinsipyo sa buhay. Kagaya na lamang ng naging viral na kwentong ito sa social media kung saan naibalik pa ang nawawalang pera ng isang customer sa kaniya kahit pa nga tatlong taon na ang nakalilipas mula nang mawala niya ito.



Ang customer na nawalan ng pera ay nakilala bilang si Cesnee Tan ngunit nang bumalik siya sa isang eatery na matatagpuan sa Ponce Street sa Davao City ay laking gulat niya nang maibalik sa kaniya ang nawala niyang P3,000 noon pang taong 2017! Kahanga-hanga di ba? Ibinahagi niya ang naging karanasan sa social media na agad agad namang naging viral sa mga netizens. Ayon sa kaniyang post, kumakain siya sa nasabing eatery nang lapitan siya ng may-ari nito na si Rosalina Garcia at iabot sa kaniya ang tig-P1,000 na cash.

“Hindi ko talaga inasahan, or kung inasahan ko man na ibalik nila, hindi ako sure kung same amount. Baka nagastos nila yung nawala ko. Pero yung amazing part about it. Hindi talaga nila ginalaw kahit na i-replace na lang sana nila kung nagastos nila,” Pahayag ni Cesnee Tan.



Naalala pala niya na naitanong niya kay Aling Rosalinda ang tungkol sa nawawala niyang pera noon ngunit wala naman daw silang napansin o napulot na pera. Pagkatapos pala nito at nang makaalis na siya ay mayroong nagbigay na customer sa may-ari at sinabing mayroong nakahulog ng pera sa isa sa kanilang mga lamesa kung kaya naman ibinilin na lamang nitong maibalik sa may-ari ang kaniyang pera. Nang bumalik si Cesnee ay namukhaan siya ni Aling Rosalinda kung kaya naman naibalik na rin sa kaniya ang pera na kaniyang hinahanap noon.


Ayon pa kay Aling Rosalinda ay matagal na siyang naghihintay upang bumalik si Cesnee ngunit hindi na ito bumalik mula noon hanggang sa nagkatagpo muli sila. Talaga namang nakakamangha ang kwentong ito hindi ba?

Source: Abscbn






error: Content is protected !!