Problema sa espasyo ng inyong bahay? Alamin ang mga “three-bed bedroom ideas” na ito!



Tiyak na maraming mga ilaw ng tahanan ang nasasabik nang malaman kung paano nga ba nila matitipid ang espasyo ng kanilang mumunting tahanan. Ang pagsasa-ayos ng tahanan ay talaga namang hindi madali ngunit hindi rin naman talaga madali ang maghati-hati ang magkakapatid o ang mag-asawa sa isang napakasikip na kwarto o tulugan. Bukod sa apektado nito ang kaginhawahan ng inyong pamilya ay talaga namang hindi rin magandang tingnan ang makalat, masikip, at hindi maayos na kapaligiran. Tiyak na isa ito sa mga bagay na iniiwasan ng ating mga nanay sa ating mga tahanan.

Alam ba ninyo na sa halip na magkaroon ng tatlong magkakahiwalay na kwarto sa ating bahay ay maaari namang makagawa ng isang kwarto lamang kung saan kasya na ang tatlong tao. Tiyak na mababawasan ang oras na mga nanay sa paglilinis ng maruruming mga kwarto at tiyak na mas magiging responsable din ang mga bata o ang mga anak nila na ayusin at linisin ang kanilang kwarto ng tulong tulong. Ito ang ilan sa mga ideya na maaaring makatulong sa inyo upang mas maging maayos ang inyong tahanan.



THREE-LAYER BEDS



Nakasanayan na natin ang mga “double-deck” na higaan sa ating tahanan hindi ba? Bakit hindi natin ito palagyan pa ng isang higaan para sa isa pang tao na makikinabang dito? Tipid na espasyo ay talaga namang magkakaroon pa ng bonding ang mga taong matutulog sa kwartong ito.

ALTERNATING THREE-LAYER BEDS



Sa iba, maaaring nakakaabala at hindi komportable para sa kanila na mayroong mga taong natutulog sa kanilang itaas o sa kanilang ilalim. Kung kaya naman maaari ding gawin ang “alternating three-layer bed” na ito. Napakaeleganteng tingnan at maganda sa mata hindi ba?



BEDS ABOVE, BELOW, AND AT THE MIDDLE


Maaari ding subukan ang three-bed series na ito kung saan mayroong higaan sa itaas at ibaba habang ang higaan naman sa gitna ng mga ito ay nasa kabilang direksyon.

A BED ABOVE TWO BEDS




Kung hanggang dalawang higaan o kama lamang ang maaaring ilagay sa inyong kwarto, maaari ding subukan ang paglalagay ng dalawang kama rito habang ang ikatlo naman ay nakalagay sa itaas ng mga ito.




error: Content is protected !!