Anak ni Megastar Frankie Pangilinan nagrereklamo dahil wala ang paborito niyang pagkain sa Estados Unidos!



Aminin man natin o hindi, ang pagkaing Pinoy ang pinakamasarap na pagkain para sa ating mga Pilipino. Bagamat mayroon din naman tayong nagugustuhang putahe ng ibang mga bansa, ang mga lutong Pinoy pa rin o mga pagkaing dito lamang makikita sa Pilipinas ang gugustuhin nating kainin.



Marahil ay dahil sa nakasanayan na natin ang mga ito dahil mula bata pa lamang tayo ay ito na ang ating kinakain. Marami pa nga sa atin ang tila nagiging “comfort food” na ang ilan sa mga pagkaing ito. Sa tuwing nalulungkot tayo o nagdaramdam ay tila mas gumiginhawa ang ating katawan sa pagkain ng mga pagkaing Pinoy na ito.


Tulad na lamang ng anak ni Megastar Sharon Cuneta na si Frankie Pangilinan na nagkaroon ng pagkakataong makapagbakasyon sa bansa dahil sa “Christmas vacation” ngayon sa pinapasukan nilang unibersidad sa Estados Unidos. Kahit pa nga sandali pa lamang siya nag-aaral doon ay talaga namang miss na miss na niya ang mga pagkaing Pilipino. Una na sa mga ito ang “fried chicken” na tinda ng isang popular na fast food chain dito sa Pilipinas. Mayroon din naman nito sa iba pang mga bansa ngunit sadyang kaunti lamang ang mga produktong mayroon sila hindi kagaya ng dito sa ating bansa.


Maraming mga netizens ang natuwa dahil sa reaksyon ni Frankie nang malamang wala palang itinitindang “fried chicken” ang branch ng kilalang fast food na chain na ito sa Amerika. Ayon sa dalaga ay tila nakakawalang respeto ang hindi nila pagbebenta ng paborito nitong “fried chicken”. Dagdag pa niya ay maiintidihan naman niya kung ititinda nila ito ng walang kaparehang kanin, ngunit ang hindi nila pagtitinda nito ay talaga namang nakakadismaya.


Tiyak na maraming mga netizens at maging ilang mga Overseas Filipino Workers (OFW) ang makakarelate sa damdaming ito ng anak ni Megastar. Tunay nga na hindi madaling manirahan malayo sa iyong mahal sa buhay at ang mga pagkaing katulad nito ang nagpapaalala at nagpaparamdam sa atin ng nakalakihan nating pamumuhay na nakapagpapagaan at nakapagpapasaya ng ating mga nangungulilang puso.






error: Content is protected !!