Hirap ni Kylie Padilla sa panganganak sa ikalawang baby nito, kitang-kita sa video na kanyang ibinahagi online!



Si Kylie Nicole Sicango Padilla-Abrenica o mas kilala ng marami bilang si Kylie Padilla. Siya ay 26 na taong gulang na aktres, modelo, at recording artist. Kilala din siya bilang isa sa mga anak ng beterano at mahusay na aktor na si Robin Padilla. Disyembre 2018 nang sila ay nag-isang dibdib. Biniyayaan silang dalawa ng dalawang anak na lalaki, sina Alas Joaquin na isinilang noong Agosto 4, 2017 at si Axl Romeo na ipinanganak naman noong Disyembre 9, 2019.



Makalipas ang ilang araw ay ibinahagi ng aktres ang isang video na nagpapakita ng hirap na kaniyang pinagdaanan habang ipinapanganak ang kaniyang ikalawang supling. Ang video na ito ay mayroong caption na nagsasabing ang kanilang panganay na anak na si Alas ay nasa kabilang kwarto lamang at nanunuod ng paborito nitong pelikula, ang kaniyang pamilya ay nasa isa pang kwarto habang ang kaniyang asawa na si Aljur ay kasama nito sa “labor room”.


Mapapansin sa viral video na kinakantahan ng aktor ang kaniyang misis habang ito ay nagle-labor. Hiniling diumano ito ni Kylie kay Aljur dahil ito ang nakapagpapanatag ng kaniyang kalooban hanggang sa pumutok na nga ang kaniyang panubigan. Pabiro pang sinabi ng aktres na tila nasuntok pa nga diumano niya ang kaniyang mister ng mga panahon iyon dahil sa sobrang sakit na kaniyang pinagdaraanan.


Talaga namang grabe ang hirap na dinaranas ng mga ina hindi lamang sa kanilang panganganak bagkus maging sa kanilang pagbubuntis sa loob ng siyam na buwan. Sa kabila ng hindi mabilang na sakripisyo at pagtitiis ay talaga namang napapawi ang lahat ng sakit sa oras na lumabas na at nahagkan na nila ang kanilang munting anghel.


Kung kaya naman walang hanggang pasasalamat at respeto ang ibinibigay ng mga anak sa kanilang ina at maging sa kanilang ama na nagtataguyod at nagmamahal sa kanila. Tunay nga na ang pagkakaroon ng isang masaya at kumpletong pamilya ay isa sa pinakamagandang regalo na matatanggap natin sa ating buhay.






error: Content is protected !!