Kiray Celis ipinakilala na sa publiko ang bago nitong nobyo!



Bilang mga tagahanga ng mga paborito nating artista o personalidad sa entertainment industry, wala tayong ibang hangad kundi ang kaligayahan nila at ang kaayusan ng kanilang buhay at karera. Marami din sa ating mga Pilipino ay talaga namang pamilya na ang turing sa mga iniidolo nilang artista at tila ba bahagi na sila ng kanilang mga buhay. Ngunit nakakalungkot lamang isipin na marami pa ding mga tao sa ngayon na labis na mapanghusga sa kanilang kapwa, lalo na sa lagana na social media ngayon.



Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang pagpapakilala ng aktres na si Kiray Celis ng kaniyang bagong nobyo. Marami nang mga netizens ang nakakapansin sa madalas nitong pagbabahagi ng ilang mga larawan o video sa kaniyang social media account kasama ang isang lalaki na kalaunan nga ay ipinakilala na rin niya bilang kaniyang nobyo. Ito ang naging caption niya sa larawan nilang magkasama na ibinahagi niya sa kaniyang social media account:


“You can be in a relationship for two years and feel nothing. You can be in a relationship for 2 months and feel everything. Time is not a measure of quality, of infatuation, or of love.” Pahayag ng aktres.
Marami namang mga netizens ang nagpahayag ng kanilang mga pagbati sa Kapuso star.


Ayon sa pahayag ni Kiray ay tila dalawang buwan ang kanilang relasyon. Ilan din sa kaniyang mga tagasuporta nito ang nagnanais ng walang hanggang kasiyahan ng aktres kasama ang bago nitong pag-ibig. Tunay nga na bakas na bakas sa kanilang mukha ang tunay na pagmamahal. Sadyang napakapalad nila sa isa’t-isa na sa wakas ay nagkatagpo at nagkasama na rin sila.


Si Johanna Ismael Celis o mas nakilala ng publiko bilang si Kiray Celis ay 24 na taong gulang na aktres, komedyante, at entreprenyur. Nakilala siya bilang parte ng “children gag show” na Goin’ Bulilit at naging bahagi rin ng ilan pang mga sikat na programa sa telebisyon at mga pelikula. Makalipas ang 19 na taon sa ABS-CBN network ay napagdesisyunan nitong lumipat sa GMA network noong Disyembre 2018.






error: Content is protected !!