Sikat na child actor noon na si Boy Alano sa garahe na lamang natutulog ngayon!



Tunay nga na ang buhay ay maihahalintulad natin sa isang gulong na kung minsan ay nasa ibabaw o di kaya naman minsan ay nasa ilalim. Nakakalungkot nga naman talagang isipin na ang mga bagay na tinatamasa natin sa ngayon ay maaaring hindi na natin maranasan pa sa mga susunod na panahon. Katulad na lamang ng nangyaring ito sa isang sikat na aktor noon na si Boy Alano. Diumano ay nasa hindi ito magandang kalagayan sa ngayon at kahit pa sa matandang edad ay nagtitiis at naninirahan na lamang ito sa isang garahe.



Si Hernando Alano o mas kilala ng publiko bilang si Boy Alano ay 78 taong gulang na aktor at dating child actor. Nakilala siya sa kaniyang husay at galing sa pag-arte at naparangalan din bilang “Best Child Actor sa 5th Asian Filmfest”.


Ayon sa ilang mga ulat, siya ngayon ay nakatira sa isang garahe na matatagpuan sa Barangay 398 sa Sampaloc, Maynila na walang mga dingding at tanging yero lamang na proteksyon sa matinding ulan at sikat ng araw. Maraming mga netizens ang napukaw ang atensyon sa sinapit nang dating sikat na aktor. Ayon sa aktor ay nalulong siya sa alak noon na naging dahilang upang palayasin siya ng bahay ng kaniyang kinakasama.


Talaga namang naging kalunos-lunos ang kaniyang sinapit at ang mas masakit pa rito ay ang kaniyang matandang edad na dapat sana ay nagpapahinga na lamang ng maayos at komportable sa kaniyang tahanan. Buti na lamang at kahit papaano ay mayroong tumulong sa kaniya katulad na lamang ng programang “Mission Impossible” ni Julius Babao. Dito ay natulungan siya kahit papaano at nakasama niya ring muli ang kaniyang anak, pamangkin, at apo.


Tunay nga na nagsilbi siyang inspirasyon para sa marami pang mga Pilipino na samahan ng wastong disiplina ang kanilang pagsusumikap at pagpupunyagi sa trabaho dahil kahit gaano pa tayo kasikat sa ngayon ay tiyak na darating din talaga sa ating mga buhay ang matinding pagsubok.






error: Content is protected !!