Cesar Montano, nagbago na at humingi na rin ng tawad sa dating misis na si Sunshine Cruz!



Marami ang tiyak na sasang-ayon na hindi talaga madaling magpatawad. Lalo na kung sobrang naging malapit sa iyo ang taong nagkasala at nagdulot ito ng napakasakit na karanasan hindi lamang sa iyo kundi sa mahal mo sa buhay.



Hindi na lingid sa kaalaman ng marami sa atin ang paghihiwalayan ng dating celebrity couple na sina Cesar Montano at Sunshine Cruz. Maaalalang nagkaroon ng problema ang dalawa at ang kanilang mga anak ang pinakanahirapan sa nangyari. Ang kanilang mga anak na sina Angelina Isabelle, Samantha Angeline at Angel Franchesca.


Ang kanilang mga anak ay napunta sa poder ng kanilang ina na siyang nagtaguyod at sumuporta sa mga ito. Setyembre 2000 nang sila ay ikasal at halos 20 taon matapos ito ay nagbigay ng pahayag si Cesar na diumano ay nagbago na siya at humingi na ng kapatawaran sa kaniyang dating misis. Dagdag pa nito ay nangusap sa kaniya ang Diyos na marapat lamang na gumawa siya ng mga makabuluhang pelikula dahil sa binigyan Siya nito ng talento sa paglikha ng magagandang palabas.


Naibahagi din ng aktor at direktor na ito na bagamat humingi na siya ng tawad kay Sunshine ay tanging ang dating misis lamang niya ang makakapagsabi kung talagang napatawad na nito si Cesar. Aminado si Cesar na hindi madali ang pagpapatawad kung kaya naman nais niya na ipagpasaDiyos na lamang ang lahat. Ayon pa sa kaniya ay nais lamang niyang magkaroon ng “peace of mind” ang kaniyang sarili at ang bawat isa dahil sa wala rin namang halaga ang ibang bagay kung wala kang “peace of mind” sa iyong buhay.


Umani ng sari-saring komento mula sa mga netizens ang naging pahayag na ito ni Cesar. Marami ang natuwa dahil sa pagbabago niyang ito ngunit mayroon pa ding iilan na talaga namang nagdududa at hindi pa rin makapaniwala sa kaniyang mga sinasabi.






error: Content is protected !!