Gretchen Ho, jackpot na jackpot kay Vico Sotto! Netizens nagtatanong, sila na nga ba talaga?



Kamakailan lamang ay maraming nasorpresa, natuwa, at nanghinayang ng mamataang magkasama sina Pasig Mayor Vico Sotto at ang host ng “Umagang Kay Ganda” na si Gretchen Ho. Ang mga sweet na larawang ito na usap-usapan ngayon sa social media ay kuha habang nanunuod ang dalawa noong nakaraang SEA Games.



Maraming mga netizens ang nagtatanong kung sila nagde-date na nga ba ang dalawa dahil sa batid din naman ng publiko na wala silang karelasyon sa ngayon. Si Gretchen ay ilang taon na ding hiwalay sa dati nitong nobyo habang si Vico naman ay tila binuhos ang kaniyang buong oras at atensyon sa pag-aaral at sa pagtupad ng kaniyang adhikaing maging isang “public servant”.


Ang ilang mga netizens pa nga ay binansagan na sila bilang “ViChen”. Mayroon din namang mga netizens na nakapansin sa social media account ng alkalde kung saan nagpost ito ng ilang mga larawan niya kasama ang kaniyang mga “seatmates” katulad na lamang ng sikat at beteranong aktor na ngayon ay isa na ring pulitiko na si Richard Gomez.


Tila nag-udyok din ito sa maraming mga netizens na magtaka at magduda kung bakit tila ayaw ipaalam ng alkalde na katabi niya si Gretchen sa kabilang upuan. Ilang mga netizens pa nga ang nagkomento kung bakit ayaw nitong ipakita ang taong katabi niya sa kabilang upuan.


Si Victor Maria Regis Nubla Sotto o mas nakilala ng publiko bilang si Vico Sotto ay 30-taong gulang na pulitiko at kasalukuyang nanunungkulan bilang alkalde ng Pasig. Anak siya ng dalawang beterano at kilalang personalidad sa show business na sina Vic Sotto at Coney Reyes.



Samantalang si Gretchen Ong Ho naman ay nakilala bilang isang mahusay na volleyball player ng Ateneo De Manila University na kalaunan ay nakilala at sumikat na rin sa pagiging television presenter o host. Aaminin na nga kaya nila ang tunay na estado ng kanilang relasyon sa publiko?




error: Content is protected !!