Isang lalaki nagmala-Spiderman at inakyat ang apat na palapag para lamang mailigtas ang sanggol na nakabitin sa mataas na palapag na ito!



Isang matapang na lalaki na mula pa sa Mali ang binansagang “Spiderman” ng publiko sa ngayon at usap-usapan sa social media dahil sa walang takot at pag-aalinlangan nitong pag-akyat sa isang mataas ma gusali ng isang “apartment balcony” sa Paris. Ang kaniyang katapangan at nakakamanghang pagtulong na ito ay naging dahilan upang magkaroon siya ng “citizenship” na ipinagkaloob mismo sa kaniya ng French President na si Pres. Emmanuel Macron.



Ang 22 taong gulang na bayani ay nakilala sa pangalang Mamoudou Gassama na agad na tumulong nang makita nitong nanganganib ang buhay ng isang bata habang nakabitin ito sa mataas na palapag ng gusali. Inakyat niya ang pader ng apartment at itinataas niyang mag-isa ang kaniyang katawan sa bawat pag-akyat niya upang makarating sa kinalalagyan ng kawawang paslit. Agad naman niyang nakuha ang bata mula sa pagkakabitin nito na naglagay sa kaniya sa panganib.


Si Mamoudou ay nagtungo ng France ilang araw bago pa man nakuhanan ang viral video dahil sa pagbabakasakali niyang magkaroon ng mas maayos at masaganang buhay sa bansang ito. Ayon sa kaniyang pahayag, basta inakyat lamang niya ang mataas na gusali upang matulungan ang bata at buong puso siyang nagpapasalamat sa Diyos dahil sa tinulungan siya nito. Habang umaakyat siya sa gusali ay mas nagkakaroon siya ng lakas ng loob na mas umakyat pa ng mataas, dagdag pa niya.


Tunay nga na namakamanghang malaman na mayroon pa ring mga tao na handang iaalay ang kanilang sarili para lamang mailigtas ang kanilang kapwa. Ang lalaking ito ay nagsilbi bilang isang napakagandang inspirasyon para sa ating lahat sa pagtulong sa mga taong nangangailangan at nasa bingit ng kapahamakan.


Bagamat hindi niya kilala o kadugo ang batang nasa panganib ay hindi pa rin siya nagdalawang-isip na tulungan ito sa abot ng kaniyang makakaya. At buti na lamang ay naging matagumpay ang kaniyang pagtulong dahil sa buhay ng isang kawawang paslit ang nakasalalay dito. Ang ganitong klase ng katapangan ay talaga namang pambihira at kahanga-hanga.






error: Content is protected !!