Marjorie Barrerto ginulat ang marami sa bago nitong look!



Marami sa atin ang nagulantang sa naganap na bangayan ng pamilya Barretto ilang buwan pa lamang ang nakararaan. Maaalalang ipinagluluksa pa lamang nila noon ang kanilang namayapang Padre de Pamilya ngunit hindi inaasahan ng marami na ito pala ang magiging mitsa ng kanilang alitan na kinasangkutan ng magkakapatid na Barretto. Ngunit ngayong nalalapit na ang Pasko ay tila tahimik na ang kanilang noon ay nag-aapoy pang mga galit sa isa’t-isa.



Kamakailan nga lamang ay namataan ng maraming mga netizens ang bagong “look” ng isa sa mga kontrobersyal na Barretto sisters na si Marjorie Barretto. Talaga namang hinangaan ng marami ang pagiging mas “blooming” nito kaysa dati. Hindi mo nga rin aakalain na lola na pala ito dahil isinilang na rin ng kaniyang panganay na si Dani ang anak nito.

Talaga nga namang kung mababawasan ang pag-iisip ng problema at alalahanin lalo na ng ating mga magulang ay mas magiging magaan ang kanilang buhay at masaya na magdudulot din ng kasiyahan nila. Kalaunan, ang kasiyahang ito ay magiging repleksyon din nila kung kaya naman magiging kapansin-pansin din ang pag-aliwalas ng kanilang mga mukha.
Sinong magsasabi na kapag nanay o lolo ka na ay hindi ka na dapat magmukha pang maganda at elegante? Nasa wastong pag-aayos at pangangalaga lamang ng ating katawan at kalusugan ang ikisisigla at ikagaganda ng ating katawan. Samahan pa ng wagas na pagmamahal ng ating pamilya.


Si Marjorie Bernandine Barretto ay 45 na taong gulang na kilalang aktres at pulitiko. Siya ay nahalal noon bilang representative ng ikalawang distrito ng siyudad ng Caloocan mula 2007 hanggang 2013. Ang kaniyang mga kapatid na sina Claudine at Gretchen Barretto, at maging ang kaniyang anak na si Julia ay kapwa mga artista din.


Siya ay mayroong limang mga anak, sina Aynrand Danielle “Dani”, anak niya sa aktor na si Kier Legaspi, Julia Francesca “Julia”, Claudia Isabelle “Claudia”, Leon Marcus “Leon” na anak niya sa dating mister niyang si Dennis Padilla, at si Erich (na anak naman niya kay Caloocan City Representative Enrico Echiverri.






error: Content is protected !!