Mister, hindi inakalang makakasama pala siya sa larawan ng kaniyang misis noong dalaga pa ito na halos 20 taon na ang nakalilipas!



Sa panahon natin ngayon ay hindi na nga naniniwala ang karamihan sa kasabihang “love at first sight”. Ayon pa nga sa ilang mga eksperto, ang kasabihang ito ay walang kinalaman sa tunay na pag-ibig kundi sa pagnanasa lamang ng tao. Ngunit may masasabi nga ba talaga ang Siyensya patungkol sa tadhana o sa mga taong inilaan talaga para sa isa’t-isa noon pa man? Posible nga kaya ang pagtatagpo ng dalawang tao sa iisang lugar at oras at pagkalipas ang ilang mga taon ay muli silang magkikita at magkakahulugan ng loob.

Sa populasyon na umaabot na sa higit na isang bilyon ngayon sa Tsina, sadyang hindi na nga talaga posible ang pagkakatagpong muli ng dalawang tao sa ikalawang pagkakataon na aakalain mong itinadhana talaga para sa isa’t-isa. Tulad na lamang ng magkasintahang ito mula sa Chengu na naging usap-usapan sa social media dahil na rin sa kakaiba nilang kwentong pag-ibig.


Ayon sa ilang mga ulat, ang mag-asawang Mr. Ye at Mrs. Xue ay nagkakilala at nagkahulugan ng loob taong 2011. Lingid sa kanilang kaalaman na pareho pala silang nasa May Fourth Square sa Qingdao noong Hulyo 2000. Ayon sa pagbabahagi ng mister ay talaga namang nagulat siya nang makita ang kanilang lumang larawan dahil sa batid niyang siya ang lalaki na nakatayo noon sa likuran ng kaniyang misis. Ayon sa misis ay naroroon siya upang humalili sa tour ng ina niyang may sakit habang ang mister naman ay kasa-kasama din ang kaniyang ina. Plano nilang bumalik muli sa lugar na iyon pag laki ng kanilang mga anak at magpakuha din ng larawan doon ng sama-sama at isang masayang pamilya.



“It seems that Qingdao is certainly one of the most special cities. When the children are older, we will go to Qingdao again and the family will take a photo again.” Pahayag ni Mr. Ye.



error: Content is protected !!