Guro na nais lamang mapasaya ang kaniyag mga mag-aaral sa Pasko, labis na nadismaya dahil sa pangmamaliit ng mga ito sa kaniyang inihandang regalo para sa kanila!



Isang guro ang buong puso at buong paghahandang nagbigay ng regalo para sa kaniyang mga mag-aaral bilang regalo ngayong Pasko. Ngunit labis labis ang naramdaman niyang pagkadismaya dahil sa hindi ito tinanggap ng iba niyang mga estudyante habang ang iba naman ay hindi na nga nagawang magpasalamat ay nagawa pang laitin ang kaniyang mga regalo. Dalawang linggo bago pa man ang kanilang “Christmas Party” ay nagpasadya ng ilang mga “keychains” si Teacher Kathlene Jane Mendoza para sa kaniyang mga estudyante na nasa ikapitong baitang na at nasa section ng “Humility”. Pinaalalahanan na siya ng ilan niyang mga kaibigan na hindi na dapat siya nag-abala pa dahil sa pulos sakit ng ulo at lalamunan lamang ang dulot ng mga ito sa kaniya.



Ngunit sadyang mahal lang niya talaga ang mga batang ito kung kaya naman kahit pa mga pasaway sila kung maituturing ay ninais pa rin niyang maghanda ng munting regalo para sa kanila. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi naman din pinahalagahan ng kaniyang mga estudyante ang kaniyang naging pag-alaala sa kanila. Hindi regalo na mula sa puso ng kanilang butihing guro ang tingin nila sa mga “keychains” na ito kung hindi mga mumurahing bagay lamang na kaya nilang bilhin sa pamamagitan ng kanilang mga baon.


Talaga namang maraming mga netizens ang hindi na napigilan pang magalit sa mga batang ito dahil sa murang edad ay nakakaya na nilang magsalita ng mga ganitong bagay sa mas matanda sa kanila at guro pa nila! Nawa ay magsilbing araw ito sa bawat isa hindi lamang para sa mga anak o sa mga magulang kung hindi para na rin sa mga guro na walang ibang ninanais kung hindi ang ikaaayos ng mga batang kanilang inaalagaan at tinuturuan. Nakakalungkot mang isipin ngunit mas marami na rin talagang mga kabataan sa panahon natin ngayon ang hindi marunong magpahalaga sa mga bagay na mayroon sila o sa mga bagay na ginagawa o ibinibigay ng mga taong nagmamalasakit sa kanila.





error: Content is protected !!