Video ng isang matandang babae na nagtatrabaho bilang isang kargador, kumurot sa puso ng mga netizens!



Isang video ng matandang babae na kargador ang usap-usapan ngayon sa social media. Maraming mga netizens ang napukaw ang damdamin at hindi naiwasang mapaluha ng masilayan ang matandang babae na ito na nagkakarga sa kaniyang matanda na at mahina na katawan ng malalaki at mabibigat na mga bagay.



Ang hindi pa nakikilalang matandang babae ay makikita sa isang viral video na nagbubuhat ng malalaking bulto ng buhatin sa kaniyang likuran. Bagamat walang nakababatid kung ano talaga ang nilalaman ng malaking sako na iyon ay mapapansin na mataas at tila mabigat ang dalahin na iyon.


Marahil ay matagal-tagal na rin siyang nagtatrabaho bilang isang kargador ay mayroon na siyang mahaba na pamigkis o panali na nakaalalay sa kaniyang dibdib. Mapapansin din na dalawang mga lalaki ang umaalalay sa matandang babae na gawin ang mahirap na bagay na ito kung kaya hindi rin sila nakaligtas sa mata ng maraming mga netizens.


Ayon sa kanila, dapat ay hindi na nila hinayaan pang gawin iyon ng kawawang matanda, dahil sa bukod na matanda na ito ay tiyak na marurupok na rin ang kaniyang mga buto para sa ganitong klaseng gawain. At kung sakali man na nag-aalala sila sa matanda o mayroon man lang sila kahit katiting na malasakit ay sila na sana ang bumuhat nito.



Ngunit mayroon din namang ilang mga netizens na nagsasabing maaari din namang nais talagang tumulong ng mga lalaking ito ngunit dahil sa kailangan ng matandang babae ang kumita ng salapi para may maiuwi sa kaniyang pamilya ay hinayaan na lamang nila ito.

Mararamdaman mo talaga ang hirap ng matanda sa pagbubuhat na kaniyang ginawa ngunit nakangiti pa rin siya habang naghahanda sa kaniyang pagbubuhat at wala man lamang reklamong narinig mula sa kaniya. Kahanga-hangang tunay! Nawa ay mayroong mga mabubuting puso na makatulong sa kawawang matanda na magkaroon na lamang ng iba pang mapagkakakitaan sa halip na magbuhat ng mabibigat na mga bagay.