Categories: AmazingInspiration

Walong anak ng mag-asawang magsasaka na ito, napagtapos nilang lahat sa kolehiyo!

Bilang isang magulang, isa sa mga responsibilidad natin ay pag-aralin at mapagtapos ng kolehiyo ang ating mga anak. Sa kasamaang-palad ay mayroong mga magulang na wala talagang kakayanan upang masustentuhan ang pag-aaral ng kanilang mga anak lalo na sa kolehiyo.

Hindi biro ang pagpapaaral ng mga anak sa kolehiyo dahil bukod sa maraming mga bayarin ay kali-kaliwa din ang mga kailangang proyekto at iba pang pagkakagastusan sa loob ng apat o halos limang taon na pamamalagi nila sa unibersidad. Kung kaya naman hinangaan talaga ng publiko ang mag-asawa na ito na mga magsasaka mula sa San Remigio, Cebu. Walong mga anak nila ang napagtapos nila sa kolehiyo at mga propesyonal na ngayon sa kani-kanilang larangan.

Ang mga huwarang magulang ay nakilala bilang sina Diosdado at Libelita Cataraja na talaga namang nagpahanga sa buong sambayanan dahil sa kanilang naging pagpapagal at determinasyon upang mapabuti ang kinabukasan ng kanilang mga anak. Ang kanilang panganay na anak na si Jovy Cataraja-Albite ang nagbahagi ng kanilang natatanging kwento sa kaniyang social media account. Masasabing hindi rin naman ganoon kalaki ang kita ng mga magsasaka lalo na kung walo ang iyong mga anak na nakapagtapos ng iba’t-ibang kurso. Labis na nagpapasalamat si Jovy at ang kaniyang mga kapatid dahil sa pagmamahal at pagmamalasakit sa kanila ng kanilang mga magulang na makapagtapos silang lahat ng kolehiyo.


Si Jovy ay isa nang ganap na nurse, habang ang iba pa niyang mga kapatid ay nakapagtapos na ng criminology, architecture, kursong marino, accountancy, civil engineering, kursong nautical, at education. Umani ng napakaraming mga positibong komento at reaksyon mula sa publiko ang nakakamanghang kwento na ito ng pamilya Cataraja.

Tunay nga na kamangha-mangha ang pagsusumikap ng mga magulang at mga anak para sa pangarap at maging sa sakripisyo ng bawat isa para sa isa’t-isa. Tunay nga na napakagandang isnpirasyon nila sa maraming mga Pilipino.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago