Anne Curtis at ang kaniyang pamilya magsisimula ng kanilang pamumuhay sa napakagandang tahanan nito sa katimugang bahagi ng Maynila!



Ang aktres at “It’s Showtime host” na si Anne Curtis ang isa sa mga sikat na personalidad na ipinanganak sa isang mayamang pamilya. Anak siya ng isang Pilipinang mula sa Pangasinan na mas kilala ng publiko bilang si Carmencita Ojales at ang Australyanong abogadong si James Ernest Curtis-Smith. Hindi katulad ng ibang nga sikat na artista na ngayon na nagsimula ang karera sa industriya ng show business upang magkaroon ng maginhawang buhay, komportable at kombinyente na talaga ang pamumuhay ni Anne at ng kaniyang pamilya.



Kung kaya naman hindi na nakapagtataka na nakapagpundar na siya ngayon ng napakaganda at napaka-eleganteng tahanan na maihahalintulad mo talaga sa kaniyang personalidad. Ayon sa ilang mga ulat, ang nasabing magarang tahanan ng aktres ay matatagpuan sa katimugang bahagi ng Maynila na bukod pa sa “family house” nila ng asawang si Erwann Heussaff na isang food at lifestyle blogger. Ang tahanan ni Anne ay idinesenyo ng magkapatid at mahusay ring mga personalidad sa kanilang larangan na sina Ivy at Cynthia Almario.


Napakaaliwalas naman talaga ng tahanan na ito at siguradong magiging komportable at relaks na relaks ang sinumang titira dito. Ang modernong istilo ng tahanan na mayroong “Timeless Victorian” na disenyo ay talaga namang labis na hinahangaan ng publiko sa ngayon. Lahat ng mga kagamitan at kasangkapan sa garbong tahanan ay ipinasadya pa ng “The Mall, The Merrier” actress.


Bagamat hindi direktang sinabi kung saan nakatayo ang napakagandang tahanan na ito ni Anne ay sinasabing nakatayo ito sa isang tahimik na lugar sa bandang Timog na bahagi ng Maynila. Mayroon pa ngang ilang mga sabi-sabi na marahil ay nasa bandanh Alabang o bandang Parañaque area ang tahanang ito.


Ayon sa soon-to-be mom ng isang baby girl, ang isa sa pinakanagustuhan niya sa kaniyang tahanan ay ang sariwang hangin na kaniyang nalalanghap at ang paiba-ibang panahon sa lugar na hindi niya din talaga mahulaan o masabi at ibang-iba din talaga ang kalangitan nito kumpara sa ibang bahagi ng kaMaynilaan.