Dalawang guro na nag-viral online dahil sa paghahanap ng kasintahan, nagkita na sa wakas!



Ang pagiging isang guro ay hindi madali. Tunay nga na napakaraming sakripisyo din ang iyong kakaharapin bilang isang guro. Ngunit sa kabila ng mga pagsubok na iyong pagdaraanan ay talaga namang mapapawi ang lahat ng ito lalo na kung gusto mo talaga ang iyong ginagawa. Sa kabilang banda ay nakakalungkot din namang isipin na mayroong ilang mga guro ang nakakalimutan nang magsaya at magliwaliw paminsan-minsan na nagiging dahilan upang hindi nila maranasan ang pagpasok sa isang relasyon o ang pagkakaroon ng nobyo at nobya.



Isa na marahil sa kanila ang mga guro na ito na nag-viral kamakailan laman sa social media dahil sa tila desperadong paraan nila ng paghahanap ng makakasama sa buhay. Ang babaeng guro na nakilala bilang si Ms. Joyce Legaspi ay mayroong larawan sa harapan ng pisara kung saan mayroong nakasulat na “Assignment” na nagsasabing dalhin ang kuya o tito na single ng kaniyang mga estudyante dahil sa nais na nito talagang magkanobyo.
Samantalang ang lalaking propesor naman ay tila nagbigay ng assignment na nakalagay sa kaniyang projector sa harapan ng klase kung saan nakasaad dito na dapat magdala ng kaniyang mga estudyante ng kanilang “single” na kapatid na babae na nasa edad 25 hanggang 29 dahil sa nais na talagang magpakasal ng kanilang propesor. Ang propersor ay kalaunang nakilala bilang si Dr. Rjay C. Calaguas.


Maraming mga netizens naman ang kinilig sa pagkikita ng dalawang guro na ito. Mayroon pa ngang ilang nagsasabi na tila magkahawig ang dalawa at dahil dito ay tiyak na magkakatuluyan silang dalawa. Ilang netizens din naman ang nangungulit na sana ay magbigay din naman ng “update” ang dalawa tungkol sa kanilang “pagkakaibigan”. Ano nga kaya ang kahihinatnan ng pagkikita ng dalawang guro na parehong nagnanais na ring lumagay sa tahimik. Tunay nga na hindi na rin talaga tayo pabata pa, lalo na ngayon na panibagong taon na naman na puno ng pagpapala ang sasalubong sa atin, at karagdagang taon na naman sa ating mga edad.




error: Content is protected !!