Misis nahuli si mister sa malimit na pagla-like ng mga hot photos ni Ivana Alawi: “Sumusobra ka na Ivana!”



Si Ivana Alawi ay isa sa pinakahinahangaang personalidad sa ngayon lalo na sa iba’t-ibang social media platforms. Bagamat bago pa lamang siya sa pagiging isang vlogger ay milyon milyon na ang kaniyang mga tagahanga at tagasuporta na malimit na nanunuod ng kaniyang mga nakakatuwang video at nakakabighaning mga larawan. Kamakailan nga lamang ay naging usap-usapan sa social media ang mister na ito dahil nabuking lang naman ng kaniyang misis ang malimit nitong pagla-like sa mga hot photos ng sikat na aktres at modelo.


Ang misis na nagpost nito sa social media ay nakilala bilang si Jane Duranggo. Ibinahagi niya ang ilang mga ebidensiyang tagahanga talaga ni Ivana ang kaniyang mister na si Richard Peter Tupas. Tadtad lang naman kasi ng “likes” ng kaniyang mister ang mga hot photos ni Ivana. Medyo napaghahalatang idolo niya talaga ito. Pabirong sinabi ni Jane na kailangang magkaharap sila ni Ivana sa kilalang programa ni Raffy Tulfo upang maayos ang kanilang gusot. Tila mayroong pagdaramdam na sinabing hindi nga makapag-like sa kaniyang mga larawan ang mister o kung minsan ay sapilitan pa, samantalang kay Ivana ay walang pag-aalinlangan at tila buong puso niya nila-like ang mga posts nito sa social media!



Ayon pa sa misis, hindi naman din aabot ang isyung ito sa programa ni Raffy Tulfo kung aayusin ng mister ang pagpapaliwanag nito sa kaniya. Nilinaw naman ng misis na biro lang ang mga binitawan niyang salita kay Ivana sa unang bahagi ng kaniyang post dahil talaga namang ubod ng kagandahan at kasexyhan ito.


Nilinaw niyang sumusobra na si Ivana sa kasexyhan at angking kagandahan. Ikinagulat naman ng mister ang pag-trending ng post ng kaniyang misis na mayroon nang higit sa 64,000 na mga reactions, higit sa 200 na mga komento, at higit sa 23,000 na mga shares 24 na oras lamang matapos nang pagkakapost nito.





error: Content is protected !!