Pamaskong natanggap ng isang inaanak mula sa kaniyang ninong inakala nitong ikayayaman niya!



Panahon na naman ng Kapaskuhan kung kaya naman damang-dama na naman natin ang panahon ng pagbibigayan at pagmamahalan. Nakasanayan na nga ng marami sa atin ang pagmamano sa ating mga mahal na ninong at ninang at ang pagbibigay nila ng kani-kanilang mga pamasko o aguinaldo sa atin. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang inaanak na ito sa social media dahil sa inakala niyang napakalaking halaga na ipinamasko sa kaniya ng kaniyang ninong na Overseas Filipino Worker (OFW).



Ang inaanak na ito ay nakilala bilang si George Ivan Domingo. Ang iniregalo sa kaniya ng ninong niyang OFW ay 50,000 Venezuelan Bolivares na nakapaloob sa isang pulang sobre. Talaga namang biglang-bigla siya at manghang-mangha sa kaniyang natanggap na pamasko at kaagad naman niya itong ipinapalit sa Philippine Peso. Ang halaga pala nito ay 53 pesos lamang! Inakala niya talagang ikayayaman niya ang halagang natanggap niya mula sa kaniyang ninong. Umani ng sari-saring komento mula sa publiko ang post na ito ni Domingo sa social media.

Maaalalang noong taong 2014 ay bumagsak ang presyo ng krudo na pangunahing produkto ng Venezuela. Dalawang taon ang nakalipas at humarap naman ito sa socioeconomic at political crisis. Nakaranas din sila ng hyperinflation kung saan ang 1 Bolivar noon ay nagkakahalaga na ng 10,000,000 na Bolivar ngayong 2019. Kalaunan ay umamin din si George na siya pala ang seaman na ninong na tinutukoy sa kaniyang post at kaniya pala talaga itong pera. Ginawan lamang niya ito ng katatawanan lalo na ngayong panahon ng Kapaskuhan.



Tunay nga na ang diwa ng Pasko ay hindi masusukat sa laki ng perang natanggap mula sa Ninong o Ninang o sa ating mga kamag-anak. Hindi rin ito nasusukat sa dami ng mga pagkaing handa sa ating hapag-kainan kundi sa mga bagay na hindi nabibili kailanman ng salapi katulad na lamang ng pagmamahal, pagiging buo ng pamilya, at tunay na kasiyahan.





error: Content is protected !!