Say ni Ruffa Gutierrez patungkol sa pagiging beauty queen ng kaniyang panganay, alamin!



Ang dating beauty queen na si Ruffa Gutierrez ay isang “proud mother” sa dalawa niyang naggagandahang mga anak na sina Lorin and Venice na pareho nang nakapirma sa kanilang mga “management contract” sa Cornerstone Entertainment Inc. Maraming mga nakakapansin na maaaring sumunod sa yapak ni Ruffa ang kaniyang 16 na taong panganay na si Lorin. Talaga namang namana nito ang tangkad at angking kagandahan ng kaniyang ina.



Ang mga nakakabighaning larawan ng panganay na anak ni Ruffa na si Lorin ay talaga namang umani ng sari-saring komento mula sa publiko. Hindi na rin mabilang ang mga netizens na nagsasabing tiyak na maaari siyang sumabak sa mga beauty pageants sa mga susunod na panahon. Ang ideyang ito ay talaga namang sinasang-ayunan at pinapaboran ng kaniyang celebrity mom na si Ruffa.


Kamakailan lamang ay nagkaroon ng launching si Ruffa sa kaniyang inieendorso na “beauty clinic”. Ayon kay Ruffa ay susuportahan naman nito ang kahit anumang naisin ng kaniyang anak. Dagdag pa niya ay bata pa naman daw ang kaniyang anak at karamihan sa mga beauty pageant ay mayroong “age requirement”. Bukod pa rito ay karamihan sa mga sumasali sa beauty pageants ngayon ay mas may edad na kaysa noon. Maaalalang tinanghal na 2nd runner up si Ruffa sa 1993 Miss World pageant noon. Dagdag pa ng “proud mom” ay nagkaroon na ng ilang mga workshops ang anak sa mga kilalang pageant gurus.



Tunay nga na walang nais ang mga magulang kundi ang ikabubuti ng kanilang mga anak. Ang pagsuporta sa kanilang mga pangarap at ninanais sa buhay ay ilan lamang sa mga bagay na nakapagpapasaya sa kanila. Ang makitang masaya, komportable, at nasa mabuting kalagayan ang kanilang mga anak ay ilan lamang sa mga responsibilidad ng mga magulang sa kanilang mga anak. Marami din naman sa mga anak ang hindi nakakalimot na magbalik ng pasasalamat sa kanilang mga magulang sa pagiging responsable at mabuting mga anak.





error: Content is protected !!