Isang “Piattos” inorder ng isang netizen na ito sa Shopee dahil sa tinatamad siyang lumabas ng bahay!



Sa panahon natin ngayon halos lahat ay mabilisan mo nang makakain, maipadadala o matatanggap. Kamangha-mangha ang naging mga pagbabago hindi lamang sa ating mga pang-araw araw na gawain, sa mga pagkain, sa teknolohiya, at sa marami pang mga bagay.



Kung noon nga ay kinakailangan mo pang lumabas ng inyong tahanan o di kaya naman ay mula sa iyong trabaho ay mamimili ka ng mga gamit na kailangan sa iyong pagluluto, mga gamit sa bahay, mga kailangang gamit ng iyong mga anak o asawa, o di kaya naman ay nais mo lamang kumain ng paborito mong pagkain, ngayon ay napakadali na nitong gawin sa isang text, tawag o di kaya naman ay sa mga online apps.




Isa na nga marahil sa pinakatinangkilik ngayon ng mga tao ay ang pamimili sa mga online shopping apps katulad na lamang ng Shopee, ng Lazada atbp. Tunay nga na kahit anong kailangan mo ay matatagpuan mo dito. Kaunting “Click” at “Search” lamang sa iyong cellphone, laptop, o computer ay walang kahirap-hirap mo na itong mabibili habang ikaw ay nasa iyong tahanan lamang o sa iyong opisina na komportableng naghihintay.




Kamakailan lamang nga lamang ay pinag-usapan at talaga namang kinatuwaan sa social media ang post na ito ng isang netizen kung saan bumili ito ng isang “Piattos” o isang tsitsirya sa isang online shopping shop dahil sa tinatamad diumano itong lumabas ng kanilang tahanan at bumili nito sa tindahan.





Ang nasabing chips ay nagkakahalaga lamang ng P17 ngunit ang “delivery charge” para dito ay P100! Ang nasabing netizen ay nakilala bilang si Datu Jhoar Mocsin na nagbahagi pa ng ilang mga larawan ng kaniyang pagbili ng chips na ibinebenta sa Shopee. Mayroon din siyang screenshot ng binayad niya sa nag-deliver nito na nagkakahalaga ng P117.

Makikita sa mga larawan na nakabalot ng mabuti ang kaniyang binili at mayroon pa itong bubble wrap katulad na lamang ng ilang mga produktong binibili natin sa mga online shopping apps. Talaga nga namang umani ng napakaraming mga komento at reaksyon mula sa iba pang mga netizens ang viral post. Sa katunayan ay mayroon na itong higit sa 120,000 na mga shares.




error: Content is protected !!