Malaking pagbabago sa buhay ng aktor na si Hero Angeles mula nang lisanin nito ang showbiz, alamin!



Marami na tayong napanuod o nabalitaang mga sikat na artista noon na nilisan na lamang ang show business industry at tinahak ang kani-kanilang landas nang malayo sa harap ng kamera. Marahil ay isa na sa mga sikat na personalidad noon ay ang aktor na si Hero Angeles. Tunay nga na napukaw nito ang puso at ang atensyon ng maraming mga Pilipino dahil sa kaniyang angking kakisigan at kagwapuhan dagdagan pa ng kaniyang prominenteng “dimples”.



Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ng publiko ang isang video ng YouTube account na mayroong username na “Artista Updates”. Sa nasabing video ay itinampok ang dating sikat na Kapamilya star at ang paglisan nito sa industriya ng show business. Si Hero Gervacio Angeles ay 35 taong gulang na aktor na nakilala bilang “Grand Teen Questor” sa kauna-unahang season ng reality star search ng Kapamilya network na Star Circle Quest. Ito ang naging simula ng kaniyang pamamayagpag bilang isa sa pinakahinahangaang aktor ng kaniyang henerasyon.


Taong 2004 din naman ng naging ka-loveteam niya si Sandara Park. Minahal ng maraming mga Pilipino ang kanilang tambalan kung kaya naman nabigyan din sila ng pagkakataong maging bahagi ng ilang mga pelikula tulad ng “Bcuz of You” at “Can This Be Love?” Ngunit ikinalungkot ng publiko ang biglaang pagkakahiwalay ng kanilang tambalan dahil sa paglipat ni Hero ng network at pagpirma ng kontrata sa Kapuso network. Sa kabilang banda naman ay nagtungo na sa South Korea si Sandara kung saan siya nanirahan at nabigyan ng pambihirang pagkakataon na makilala at sumikat sa buong mundo dahil sa kaniyang talento sa pagkanta at pagsasayaw.


Nagpatuloy naman si Hero sa kaniyang pagiging isang aktor sa Kapuso network kung saan napabilang din siya sa programang Dyesebel at Luna Mystika. Sa ngayon madalang na siyang makita sa telebisyon at pelikula ngunit makikita sa kaniyang social media account na isa na siyang pintor ngayon at nakapupunta din siya at nakakalibot sa iba’t-ibang lugar sa bansa.





error: Content is protected !!