Max Collins buntis na sa panganay nila ng mister na si Pancho Magno!



Ang pagpapakasal ay hindi isang madaling proseso. Ito ay isa sa mga bagay na dapat pinag-iisipan ng husto at pinaglalaanan ng sapat na panahon. Dapat siguruhin ng dalawang taong magpapakasal na ito ay isang sagradong sakramentong magbubuklod sa kanilang dalawa at ito na rin ang magiging simula nang kanilang pagiging isa.



Matapos nito ay handa na silang bumuo at magtaguyod ng sarili nilang pamilya bilang mag-asawa. At isa na marahil sa pinakamagandang biyayang matatanggap nila sa kanilang pagsasama ay ang pagkakaroon nila ng mga supling o mga anak. Kung kaya naman marami ang natuwa at nanabik sa balitang buntis na ang Kapuso actress na si Max Collins!


Kamakailan lamang ay ibinalita ng Kapuso actress na si Max Collins ang kaniyang pagbubuntis sa unang anak nila ng kaniyang mister na si Pancho Magno. Inanunsyo ng mag-asawa ang napakagandang balita nito lamang Pasko, ika-25 ng Disyembre sa pamamagitan ng kanilang social media account. Nagpost sila ng magkatulad na larawan kung saan mayroong hawak hawak na dalawang cute na aso ang soon-to-be mommy na si Max habang si Pancho naman ay mayroong hawak hawak na “sonogram” ng kanilang baby.


Ang kanilang post ay umani ng sari-saring komento mula sa kanilang mga fans, sa iba pang mga netizens at maging sa kanilang mga kapwa artista. Ilan sa mga bumati sa celebrity couple ay sina Maricris Garcia, Chynna Ortaleza, Solenn Heussaff, Kyline Alcantara, Kate Valdez, Yasmien Kurdi, Chariz Solomon, Joyce Pring, Carla Abellana at Kim Domingo. Hindi rin naman nagpahuli sa pagbati sa mag-asawa sina Precious Lara Quigaman, Isabelle Daza, Denise Laurel, at Jessy Mendiola.


Maaalalang Mayo 2017 nang mapabalita ang kanilang “engagement” matapos ang higit sa limang taon nilang relasyon. Disyembre din naman ng taong iyon ay ikinasal ang dalawa sa isang “intimate wedding ceremony” sa grand ballroom ng Manila Marriott Hotel sa Pasay City. Kamakailan din lamang ng ipagdiwang ng mag-asawa ang ikalawang taon nila bilang mag-asawa.






error: Content is protected !!