Hinahangaan ngayon ng publiko ang magkasintahang OFW na ito dahil sa nakapagpatayo na sila ng pangarap nilang bahay sa loob lamang ng tatlong taon!



Hindi madali ang maghanap-buhay sa panahon natin ngayon. Dahil bukod sa maliit na sweldo ng maraming mga manggagawang Pilipino ay sadyang napakamahal na rin ng maraming mga bilihin bukod pa ang mga bayarin natin sa kuryente, tubig, internet, o maging ang mga matrikula ng mga estudyante. Hindi na nakapagtataka na marami sa ating mga Pilipino ngayon ang nagnanais nang mangibang-bansa at doon magtrabaho dahil sa mas malaki ang tyansang kumita sila ng mas malaking halaga at makapag-ipon ng pera para na rin sa kanilang pamilya at sa kanilang sariling mga pangarap.



Tunay nga na ang pagkakataong makapagtrabaho sa ibang bayan at kumita ng malaking halaga ay hindi panghabang-buhay dahil sa paglipas ng panahon ay tatanda rin tayo at hihina ang ating pangangatawan na siyang pangunahing kaagapay natin sa ating pagbabanat ng buto.


Kung kaya naman marami sa mga taong nagpapagal sa kani-kanilang mga trabaho sa loob o labas man ng bansa ang nagsusumikap na makapag-ipon at makapagpundar para sa kanilang kinabukasan at para sa kanilang mga mahal sa buhay. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang naging tagumpay ng OFW na ito na makamit ang kanilang pangarap na bahay.


Ibinahagi ni Ricky Jay Javate ang sa kaniyang social media account kung paano nila plinano at pinagpagalan ang pagkakapundar nila ng sarili nilang tahanan. Ayon din sa nasabing post ay nakapagpundar ang magkasintahan ng kanilang pangarap na bahay dahil sa pagiging Factory Workers nila sa Taiwan. Dahil sa naging napakagandang inspirasyon ng kanilang kwento sa publiko ay marami ang nagtatanong kung paano nga ba nila ito naisakatuparan.



Ilan sa kanilang mga payo ay ang pagsisiyasat ng iyong tunay na layunin kung bakit at para saan ka nga ba magtatrabaho sa ibang bansa, ikalawa ay dapat matuto kang sumunod sa iyong plano at sa iyong “budget”, ikatlo naman ang pagiging “consistent” o hindi pagpalya sa iyong buwanang “target”, ikaapat ay hind ka dapat magkaroon ng ano mang mga dahilan upang hindi mo masunod ang iyong target o plano, samantalang ang panghuli naman ay huwag na huwag kang makakalimot na manalangin at humingi ng gabay sa Diyos.