Isang “h0meless PWD” sa Las Vegas na marunong magsalita ng Tagalog binigyan ng pamasko ni Raffy Tulfo!



Si Raffy Tulfo ang isa sa pinakasikat na personalidad ngayon sa telebisyon, radyo sa internet man. Tunay nga na walang pinapalampas ang idol ng bayan na si “Idol Raffy” pagdating sa mga tiwaling opisyal at mga taong mapang-api at mapagsamantala sa kanilang kapwa. Kahit pa nga sobrang yaman ng mga ito o di kaya naman ay napaka-maimpluwensiya ay hindi siya makapapayag na hindi sila managot sa batas para sa kanilang ginawang anomalya o kalokohan. Ngunit sa kabila ng kaniyang pagiging istrikto, prangka, at matapang ay mayroong siyang malaking puso para sa pagtulong niya sa maraming mga taong nangangailangan.



Kamakailan nga lamang ay ikinatuwa ng publiko ang naging pagtulong nito sa isang h0meless PWD sa Las Vegas. Ang nasabing babae ay nakita ni Raffy sa isang Max’s Restaurant sa Las Vegas Nevada kung saan siya ay naging guest speaker sa isang event kasama ang kaniyang pamilya. Nasorpresa ang isang African-American na babae sa pag-aabot ni Raffy ng $100 na pamasko sa kaniya. Labis na ikinatuwa ng batikang mamamahayag ang pagiging matatas ng dayuhang babae sa pagsasalita ng Tagalog.


Dahil na rin sa labis na kagalakan ng nasabing dayuhang babae ay nag-alok pa nga ito ng kasal kay Raffy na aakalain mo talagang seryoso ito sa pagsasabi at pagpapahayag ng salitang kasal rito. Ngunit nang mapansin nitong kasama ni Raffy ang kaniyang misis ay sinabi nitong ipakilala na lamang siya sa nakatatanda niyang kapatid. Umani naman ng napakaraming komento at reaskyon mula sa publiko ang ginawang kabutihan ni Raffy sa dayuhang babae. Tunay ngang mayroon siyang malaking puso sa pagtulong hindi lamang sa ating mga Pilipino kung hindi sa bawat taong alam niyang nangangailangan ng kaniyang pagtulong.



Naging napakagandang inspirasyon ng kwentong ito sa ating lahat na huwag tayong makalilimot na magbigay ng tulong sa mga taong nakakasalubong o nakakasalamuha natin. At ang lahat ng ito ay tiyak na maibabalik sa iyo nang siksik, liglig, at nag-uumapaw na mga pagpapala.





error: Content is protected !!